Sunday , December 22 2024

100 pamilyang nagkabahay kay Cong. Sandoval

NANG planong umpisahan ang North Rail Project noong 2003, maraming pamilya ang naapektohan sa Malabon City. Napaulat na mahigit 100 pamilya ang nawalan ng munting tahanan.

Ngunit dahil sa mabilisang pagtugon ni Cong. Ricky Sandoval sa pangangailangang pabahay ng 100 pamilya ay agad din nagkabahay ang mga naapektohan sa proyekto. Sa tulong ni Sandoval ay nagkaroon ng katuparan ang pangarap ng 100 pamilya na magkaroon ng bahay at lupa.

Yes, nai-relocate ang 100 pamilya sa loob din ng Malabon City. Hindi sila itinapon sa malalayong relocation site at sa halip sila ay nakatira ngayon sa Karisma Ville sa Barangay Panghulo, Malabon na isang mahusay na halimbawa ng in-city relocation ng mga informal settler sa Malabon.

Matatandaan na ang North Rail Project ay dapat sinimulan noong taon 2003. Ito ay 80 kilometer railroad na dapat sanang magdurugtong sa CAMANAVA sa Bulacan at Pampanga. Ang Malabon ang isa sa mga lugar na tinamaan ng nabigong proyekto ng nagdaang administrasyon, kaya marami sa mga residente nito ang kailangang paalisin at ilipat sa relocation site sa Bulacan.

Ngunit sa pamamagitan ni Sandoval, ang mga apektadong  residente ay nabigyan at naging benepisaryo ng palupa’t bahay sa Karisma Ville.

Sa pamamagitan ni Sandoval nakakuha siya ng P20 milyon mula sa Presidential Management Group at ito ang ginawang down payment sa lupa ng mga Siochi na ngayon ay Karisma Ville  na.

Ito ay libreng ibinigay sa mga tinamaan ng North Rail project at ibinawas sa presyong hinuhulugan nila sa lupa. Samakatuwid, ang mga magulang na nagsisikap para sa kanilang pamilya ay hindi na nailayo sa kanilang mga trabaho. Hindi sila nailipat sa malalayong relocation site na milya-milya ang distansiya sa kanilang kasalukuyang trabaho na may kahirapan rin sa transportasyon. 

Gayondin, ang ilan sa mga problema ng relokasyon sa ibang lugar ay kawalan ng tubig at koryente. Kailangan din ang paglilipat sa mga anak na nag-aaral sa bagong mapapasukang paaralan.

Hindi lingid sa kaalaman natin na ang relocation sa informal settlers  ay madalas sa lugar na masasabing malayo sa kinasanayang pamumuhay na urban at moderno na mataas o malaki ang oportunidad sa trabaho at edukasyon.

Sa ngayon, maraming organisasyon sa labas ng Malabon ang patuloy na tumutulong sa mga residente sa Karisma Ville katulad ng Habitat for Humanity at GMA 7 na nagpatayo ng mga bahay sa loob ng village na ito.

Noon pa man, kilala na si Sandoval na masipag na kongresista at kinatawan ng kanyang mga kababayan sa Malabon. Naging malakas na tinig siya ng mga kapos-palad sa Malabon at tagapagtanggol ng kanilang karapatan.

Ipinaglaban din niya ang in-city relocation sa Karisma Ville dahil naniniwala siya na dapat bigyan ng pantay na karapatan at pagkakataon ang mahihirap. 

Marami pang maralitang tagalungsod sa Malabon ang nakatira pa rin sa mga lupang ‘di pa nila pagmamay-ari. Inaasahan nila na katulad ng mga residente sa Karisma Ville at sa pagsusulong ni Sandoval ng kanilang adhikain para sa patas na pagkalinga ng pamahalaan.

Batid din nila sa lahat ng mga naging Kongresista ng Malabon, namumukod-tangi si Ricky sa kanyang mga nagawa para sa mga kapos-palad tulad nila.

Aksyon

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *