Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, planong isali sa Ang Panday ni Richard Gutierrez

00 Alam mo na Nonie032116 Kikay MikayPUMIRMA kamakailan ng five year contract ang mga bibong bata na sina Kikay at Mikay sa Viva Artist Center. So far, plano ng pamunuan ng Viva na sina Ms. Veronique at Boss Vic del Rosario na ipasok sina Kikay at Mikay sa TV series na Ang Panday ng TV5 na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Magandang break ito sa dalawang cute na bata na labis kaming natutuwa dahil sa pagiging sobrang talented nila. Na kahit sa kantahan at pagra-rap, sa pag-arte, at sa pagsayaw ay magaling at game sila lagi.

022616 RICHARD GUTIERREZSi Kikay ay 7 years old, samantalang si Mikay ay 10 years old naman.

Ayon sa mother ni Kikay na si Mommy Diana Jang, as early as three years old pa lang si Kikay at 5 years old pa lang si Mikay ay hilig na nila ang kumanta at mag- acting. Esplika pa ni Mommy Diana, “Everytime na they watch It’s Showtime, sinasabi nila na gusto nilang pumunta roon dahil gusto rin daw nilang kumanta at sumayaw.”

Sinong paborito mong actor? “Si James Reid po, kasi guwapo po siya tsaka magaling umarte,” saad ni Kikay.

Gusto rin daw niyang gumanap na kontrabida role at maging beauty queen. Anong gusto mong gampanan na role? “Kontra bida role po, gusto ko. Kasi po challenging at exciting.

“Si Megan Young po favorite ko, kasi po gusto ko rin po maging Ms. World,” saad pa ng cute na si Kikay.

Si Mikay naman, si Daniel Padilla daw ang favorite actor. “Ang favorite actor ko po ay si Daniel Padilla, kasi guwapo po siya at magaling umarte.”

Pero ayaw daw niyang maging kontrabida. “Ayaw po, gusto ko po yung kinakawawa po ako. iyong inaapi po. Gusto ko rin po yung parang mga superhero, gaya ni Darna.”

Nang usisain pa siya ukol sa kanilang audition sa Viva, eto ang kuwelang sagot ni Mikay: “Pinakanta po kami ng pabebe at pina-acting, tapos po ay natulala po si Boss Vic!”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …