Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, type makipagbalikan kay Jomari?

00 Alam mo na NonieAMINADO si Aiko Melendez na maganda ang relasyon nila ngayon ng ex-husband niyang si Jomari Yllana. Ayon sa aktres, nakita rin niyang mas nag-mature talaga si Jomari ngayon kumpara noong magkarelasyon pa sila.

“Masaya ako kasi para mapunta kami sa estado ng relasyon namin ni Jomari na ganito, it takes a lot of maturity. Mas gusto ko ang walang hassle, kaya ayaw naming lagyan ng kung anuman, ayaw naming pangunahan ang Diyos. Gusto na lang namin na ang Diyos na lang ang magsabi kung anong para sa amin,” saad ni Aiko.

Sinabi rin ng aktres na marami pa rin daw ang kinikilig na makita silang magkasama ni Jomari. “I think so, kasi nang nag-campaign ako sa kanya, tatakbo kasi siyang councillor sa Paranaque, kinikilig sila. Parang sabi, ‘Ha, kayo na?’ Tapos ini-introduce pa niya ako as asawa ko.” saad ng aktres

Mas nag-mature din daw si Jom ngayon. “Noong mag-asawa pa ami, mayroong things na hindi namin masabi sa isa’t isa. Yung parang naiirita kami pareho. Ngayon, mas open kami. Nasasabi na namin ang gusto naming sabihin. Kaya ayaw naming sirain iyon. Kasi ‘pag nagpunta na naman kami sa estado na mag-asawa kami dati, baka hindi na naman namin magawa ito,” saad pa ni Aiko na napapanood sa Story of Us na tianatmapukan nina Kim Chiu at Xian Lim.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …