Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Kim Chiu

Xian at Kim, napi-pressure para aminin ang tunay na relasyon

INAAMIN na ni Xian Lim na may pagtitinginan sila ni Kim Chiu. Matagal na rin naman kasi silang magkasama at magka-love team, pero sinasabi nga niya na hindi dahil sa umamin na ang iba na sila nga ay may tunay na relasyon at hindi rin dahil ipinalalabas na iyong kanilang bagong seryeng The Story of Us ay gagaya na rin sila at aamin. Naniniwala si Xian ganoon din si Kim, na ang pag-amin ng tunay nilang relasyon ay dapat na mangyari sa tamang panahon.

At kailan nga ba ang tamang panahong iyan kundi kung kailan alam na nilang sigurado na sila sa kanilang nararamdaman. Mali naman talaga iyong pabigla-bigla lalo na nga pagdating sa isang relasyon. Iyan ang madalas na pagkakamali lalo na ng mga artista. Naroroon kasi ang pressure ng fans. Naroroon din ang interes ng mga producer na naniniwalang mas sisikat at kikita ang isang love team kung masasabing totohanan na ang relasyon. Nakadaragdag din ng pressure ang press dahil naghahanap sila ng bagong maibabalita at marami ang interesado sa mga love affair.

Madalas dahil sa ganyan umaamin ang mga artista kahit na hindi pa sila sigurado sa sarili nila and in the end, mauuwi lang ang lahat sa wala.

Kaya hindi naman natin masisisi sina Xian at Kim kung ayaw pa nilang magsalita tungkol sa kanilang affair. Gusto nila iyong sigurado na.

Natatandaan nga namin, may panahong halos pinipilit silang aminin na mayroon silang relasyon, at nang sabihin ni Kim na, ”it is our right to remain silent,”marami ang nagsabing sinungaling daw ang aktres. Bakit iyon bang pagtangging umamin ng isang bagay ay masasabing pagsisinungaling? Hindi naman niya ikinakaila eh, ang sinasabi lang niya hindi pa siya handang aminin iyon. Eh ano ang masama roon?

HATAWAN – Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …