Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christian Laxamana, kompiyansa sa Mr. Gay World sa Malta

00 Alam mo na NonieTIWALA si Christian Laxamana na malaki ang chance niyang manalo bilang Mr. Gay World nagaganapin sa Malta sa April 19-23. Si Christian ay isang educator, na may degree na Bachelor of Secondary Eduction, Major in Music and the Arts. Naging first runner-up din siyasa “Pogay” ng It’s Showtime.

Sinabi ni Christian na siya ay, “Proud gay at Proud Pinoy.” Abala siya ngayon sa paghahanda para sa pagpunta sa Malta.

Ayon kay Mr.Gay World Philippines National Director Wilbert Tolentino, si Christian ay perfect representative ng bansa at malaki ang pag-asang manalo. Si Wilbert ang first winner ng Mr.Gay World Philippines.

Bakit si Wilbert na ngayon ang organizer ng Mr. Gay World Philippines?”This year po ay ibinigay sa akin ‘yung contract as a national director ng Mr. Gay World kasi hindi na po nag-renew ‘yung previous na organizer. January lang na-award sa akin kaya wala na akong enough time para mag-National pageant. So, in-appoint ko ‘yung 14th Annual Search ko ng Mr. F na nagpi-present ng gay community, kinuha ko si Christian dahil siya ang latest na nanalo.

“I think capable naman siya kasi as an educator, marami siyang maitutulong dito sa gay community lalo na sa LGBT community.”

Ano ang objective niya kaya tinanggap ang pagiging National Director?”Para makapag-contribute ako in my own little way sa gay community na at least nag-e-exist tayo. At saka may participation tayo kasi ang Mr. Gay World ay naghahanap ng speaker sa HIV awareness lalo na sa panahon ngayon na dumarami ‘yung mga HIV victims ngayon,” sambit pa niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …