Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, nagtitiyaga na lang sa mga indie project

MAY gagawin na naman daw isa pang indie film si Aljur Abrenica at ang sinasabi nga ng iba, ”puro indie na lang yata ang ginagawa niya.”

May panahon na malalaking projects ang ipinagagawa kay Aljur. Lahat ng mga prime assignment ibinibigay sa kanya noon ng Channel 7. Sinasabing hilaw pa siya sa acting, pero binibigyan siya ng mga proyektong ni hindi nila naibigay sa mga nauna sa kanya. May panahong “network favorite” iyang si Aljur, pero nagdemanda nga siya at sinabing puro walang kuwenta ang ipinagagawa sa kanya.

Naayos na naman ang usapang iyon. Inurong din niya ang reklamo nang makita niyang walang mangyayari sa demanda niya, pero hindi na siya nakakuha ulit ng malalaking breaks, at ngayon kailangan niyang magtiyaga sa mga pelikulang indie.

“Hindi pa naman siya talaga marunong umarte eh, buti nga kahit na indie may kumukuha sa kanya. Eh si Nora Aunor nga puro indie rin eh,” sabi ng isang kritiko.

Pero sa palagay namin, iba naman ang kaso ni Nora Aunor at iba naman ang kaso ni Aljur. Si Nora bukod sa mga naging problema nga sa kanya noong araw professionally, hindi naman maikakaila na matanda na rin siya. Iyang si Aljur ay bata pa. Kahit na ano pa ang sabihin, puwede pa iyang i-develop kung hindi nga lang siya nagkamali ng diskarte sa kanyang career.

Kung minsan iyan ang hirap eh. Lalo na kung mali ang nagsusulsol.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …