Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo, natatabunan nga ba ni Kenzo?

MUKHANG mas napapansin doon sa And I Love You So ang baguhang si Kenzo Gutierrez. Siguro nga nagkaroon siya ng advantage dahil napansin siya kahit na noong nasa PBB pa lamang siya. May nagsasabi rin namang may fans na siya talaga noong panahong varsity pa siya sa Ateneo kaya nga siya nakuha sa PBB eh.

Kung ang fans namang sumusubaybay sa serye ang tatanungin, sasabihin nilang mas gusto nga nila si Kenzo, kahit na obvious namang mas binibigyan ng exposure si Inigo Pascual. Pero ang tingin ng iba ay medyo hilaw pa ang dating ni Inigo, at ang sinasabi nilang katunayan niyan ay ang naging resulta ng kanyang mga ginawang pelikula.

Pero hindi naman siguro magiging matindi pa ang comparison sa dalawa dahil ilang araw na lang at matatapos na nga iyang And I Love You So. Pero sinasabi nilang ang lahat ng matitinding eksena ay lalabas sa huling siyam na araw na iyan. Tingnan natin pagkatapos niyan kung sino ang manalo kina Kenzo at Inigo.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …