Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga artistang dumadalaw kay Direk Wenn, namumugto ang mga mata

LAHAT halos ng nagdatingang celebrities sa burol ni direk Wenn Deramas ay mapapansin mong umiiyak o namumugto ang mga mata. Lahat sila ay nagsasabing malaki raw kasi ang utang na loob nila sa director. Iyan naman kasing si direk Wenn, kilala rin iyang mahusay makisama sa lahat ng mga nakakasama niya sa trabaho.

Sa lahat ng mga show sa ABS-CBN, nag-ukol din ng ilang sandali ng pananalangin para kay direk. Hanggang doon sa presscon nga ng And I Love You So, sa pasimula ay nanalangin para sa yumaong director.

Masakit talaga ang nangyari kay direk Wenn. Noong December lang namatay ang kuya niya. Hindi pa sila nakakabawi mula sa kalungkutang iyon, inatake na naman ang kapatid niyang babae na si Myra Ann, na wala nang buhay nang idating sa ospital. Siguro ang mga bagay na iyan ang naging dahilan kung bakit nang malaman ni direk Wenn, nang dumating siya sa ospital na patay na ang ate niya, siya naman ang inatake. Pinilit siyang mai-revive, pero matapos lamang ang ilang oras, namatay na rin siya.

May isa pang teleseryeng ginagawa si direk Wenn. Hindi pa malaman kung sino ang ipapalit sa kanya. In fact noong gabing iyon nag-taping pa siya eh, kaya hindi sinabi sa kanya na DOA ang kanyang kapatid. Iyon naman ang ikinabigla niya nang dumating siya sa ospital. Ang huli naman niyang pelikula ay iyong isinali sa festival.

Mayroon pa sana siyang tatanggaping award, bilang ”most popular director”.Hindi man nananalo ang kanyang mga pelikula bilang best picture, lagi namang box office hits ang mga iyon.

Lahat sila ay nagsasabing malaking kawalan sa industriya si direk Wenn. Totoo naman iyon dahil iilan na lang ang mga box office directors na kagaya niya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …