Saturday , November 23 2024

Ali suportado ng taxpayers sa Manynila

HINDI na nakapagtataka kung bakit buo ang suporta ng mga namumuhunan at taxpayers kay Kosehal Ali Aienza sa Maynila, para sa 2016 elections.

Paano kasi si Ali ang tanging unang nanindigan at tinutulan ang plano ng kasalukuyang administrasyon o ng  city government ng Manila na taasan ng 300 porsiyento ang buwis sa Maynila.

Ang pagtututol ni Ali ay sinuportahan sa City Council ng ilang Councilors gaya nina Councilor Rod Lacsamana, at Josie Siscar.

Hindi lang sa Konseho ipinamalas ni Ali ang pagtutol sa planong panggigipit ng city government sa mga mamumuhunan at mamamayan ng lungsod kundi, kanya pang hinarap si  Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Hiniling niya sa ama ng lungsod na kaawaan naman ang mga ‘anak’ (mamumuhunan at mamamayan) – na huwag nang ituloy ang planong pagpapahirap sa mamamayan – ang  planong pagpapataw ng sobra-sobrang taas na buwis sa mga negosyante sa Maynila.

Suhestiyon ni Ali kay Erap, imbes taasan ang buwis ay habulin ang mga hindi nagbabayad at mandaraya sa pagbabayad ng buwis at tanggalin na rin ang tax exemptions.

Dahil sa pakikipaglaban ni Ali hindi umubra ang planong 300%  tax increase.

Sa halip, ginawa na ng pamahalaang lungsod ng 150%.

Pero, nagpaplano pa rin ang gobyerno na ang kakulangang 150%  ay ipapataw pagkatapos ng eleksiyon. Naku paktay. Kaya kayo riyan sa Maynila, aba’y maging wais kayo sa pagboto kung sino ang iuupo ninyo. Huwag iyong lalong magpapahirap sa inyo.

Ano pa man, kahit na kalahati ng 300% ang ipinataw – masasabing tagumpay pa rin ang pagtutol na ginawa ni Ali. Malaking bagay din kaya ang kabawasan ng 150% sa 300% increase.

Naku po, kung sakaling hindi tinutulan ito ni Ali at ilang kasamahan sa Konseho, napakalaki ng 300% mga iho at iha. Mabuti na lamang at nandiyan ang tulad ni Ali para sa mamamayan ng Maynila.

Sa ngayon, ayon sa mga negosyante, nahihirapan pa rin sila dahil may mga sitwasyon na sa pakiramdam nila ay hindi na makatao at patas ang pagpapataw ng tax sa Maynila.

Mas marami ang umaangal sa sobrang taas ng sinisingil na buwis partikular iyong maliliit lang ang hanapbuhay.

Tulad ng isang  maliit na barbershop, siningil ito ng P20,000 (tax) , at maging ang maliliit na sari-sari store ay hindi pinatawad.

Sabi ng mga negosyante sa Maynila, hindi raw patas at makatarungan ang ginawa ng mga opisyal ng Maynila dahil silang maliliit at tapat magbayad ng tax ay kinargahan ng napakaling increase pero ang dambuhalang kompanya ng komunikasyon ay inilibre sa tax.

Inilibre sa tax, dapat siguro imbestigahan ito ng BIR – Paging Commissioner Kim Henares. Dambuhalang communication company, inilibre raw sa tax?

Puwede ba iyon?

Nagpapasalamat ang  taxpayers dahil kahit nag-iisa ay nandoon si Ali Atienza at nagawang tumindig sa City Council upang pigilan ang hindi makatarungang tax increase.

Umaasa rin sila na kapag si Ali ay nanalo bilang Vice Mayor ng Maynila ay maitutuwid ang mga maling patakaran at pamamaraan ng pagkolekta ng buwis.

Naniniwala ang taxpayers na tanging si Ali lamang ang pipigil sa smakagagawa ng solusyon upang maibaba ang binabayaran ng mga taga-Maynila ngayon.

“Ang dapat nilang habulin, mga bigtime tax evaders at hindi ‘yung religiously na nagbabayad ng tamang buwis at sumusunod nang maayos sa pamahalaan.”

Sabi ng isang negosyante, ayaw nang magpabanggit ng pangalan.

“Basta kami suportado namin si Ali, dahil naniniwala kami na tanging siya lamang ang makapagsisimula ng pagbuhay ng  bagong Maynila” pahayag ng nagkakaisang mga negosyante sa lungsod.

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *