Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tori Garcia, may-K sa mundo ng showbiz!

00 Alam mo na NonieMAY puwang si Tori Garcia sa mundo ng showbiz, bukod kasi sa maganda ay talented ang dalagang ito na alaga ni katotong Throy Catan. Beauty and brains si Tori na sa edad na 18 ay graduate na ng Masscom sa Singapore (tatlong beses siyang na-accelerate).

Nakalabas na siya sa ilang Wattpad series ng TV5, bilang mean girl at barista. Ayon pa kay Tori, nag-enjoy daw siya nang husto. Sa bandang April ay may hinihintay na big break si Tori at umaasa siyang dito’y mas lalong hahataw ang kanyang pag-entra sa showbiz.

Sinabi rin ni Tori na hilig niya ang pagkanta at pag-arte, kaya siya pumasok sa showbiz. Ano ang gusto niyang mangyari sa pagsabak niya sa showbiz. “Gusto ko po sanang ituloy po iyong acting, kasi iyon po ang passion ko,” saad ni Tori.

Sino ang favorite actress niya?

Sagot niya, “Si Bea Alonzo at saka si Maja Salvador. Kasi po, sobrang galing nila, kaya idol na idol ko sila.”

Gusto mo rin bang makatrabaho si Bea? “Opo sana makatrabaho ko si Bea, para mayroon akong matutunan sa kanya. Sobrang galing po niya eh. Idol ko po talaga. Tsaka si Maja Salvador.”

Sinabi rin niya ang isa sa rason kung bakit siya pumasok sa showbiz. “Hilig ko po talagang mag-act. Onetime kasi ay nag-guest ako sa isang TV show sa Singapore. Tapos nagustuhan po nila yung show at sabi po ng mga tao sa akin, nakalimutan daw nila yung pain nila.

“So, parang medyo I feel that na baka yun iyong purpose ni God sa akin. To help people forget their problem kahit kaunti lang, mapasaya sila, mapatawa.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …