Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay & Mikay, cute at talented na tandem

NAKAKATUWA ang mga batang sina Kikay & Mikay, bukod kasi sa cute ay talented sila pareho. Sa ginanap na pocket presscon recently para sa M & M #pumapagibig concert nina Marion at Michael Pangilinan na gaganapin sa Zirkoh Tomas Morato sa March 6, nagkaroon ng impromptu sing and dance number ang dalawang bagets. Parehong magaling sa sayawan at kantahan ang dalawa, kaya sure ako na may puwang sila sa mundo ng showbiz

Si Kikay ay 7 years old, samantalang si Mikay ay 10 years old naman.

Ayon sa mother ni Mikay na si Mommy Diana Jang, as early as three years old pa lang si Kikay at 5 years old pa lang si Mikay ay hilig na nila ang kumanta at mag- acting.

Esplika pa ni Mommy Diana, “Everytime na they watch It’s Showtime, sinasabi nila na gusto nilang pumunta roon dahil gusto rin daw nilang kumanta at sumayaw. Ang favorite actress nila ay si Sarah Geronimo.”

Ang M & M #pumapagibig ay prodyus ng The Entertainment Arts & Media (TEAM). Kabilang sa guests ang talented crooner na si Gerald Santos, Star Magic member Ahron Villena, actor-singer Zyrus Imperial, at Eat Bulaga’s Spogify winner Mavi Lozano.

Kasama rin dito sina Pauline Cueto, Alyssa Angeles, Erika Mae Angeles, Sarah Ortega, Kikay & Mikay, Josh Yape, Maria Elena Tan, Glaiza Micua, Azrah Gaffoor,  at Alex Datu. Ang musical extravaganza na ito ay mula sa direksiyon ni Throy Catan.

Ito’y isang benefit show para sa Bahay Aruga na tumutulong sa pediatric cancer patients at matatagpuan sa Ermita, Manila. Kabilang sa major sponsors ang Golden Legacy Jobmovers Corporation, Above Aesthetics at Kikay & Mikay. Minor sponsors include Fernando’s Bakery, Mega C, I Love My Sisters (Megasoft), Africa’s Catering, at Atty. Ferdie Topacio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …