Wednesday , May 7 2025

Ronquillo balak bumalik sa PBA

MALAKI ang posibilidad na babalik sa pagiging head coach ng PBA ang dating mentor ng Formula Shell na si Perry Ronquillo.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Ronquillo na bukas siya sa anumang alok na maging coach sa liga.

“I’ve been thinking and struggling with this for the longest time and I’ve finally made a decision. This is my make or break year. I will either be successful in making a comeback to basketball, in any capacity or I will finally make peace and say goodbye to it for good,” wika ni Ronquillo.

Nakabase ngayon sa Amerika si Ronquillo pagkatapos na sinibak siya ng Turbo Chargers pagkatapos ng 2003 PBA season.

Dinala ni Ronquillo ang Shell sa dalawang titulo sa PBA noong 1998 Governors’ Cup at 1999 Philippine Cup at dalawang beses siyang napili bilang Coach of the Year ng PBA Press Corps.

Naunang hinawakan ni Ronquillo ang Burger Machine sa PBL.

( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *