Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga, dapat nang magbalik-showbiz

AFTER two years ng pamamahinga, nagbalik na si Richard Gutierrez sa isang malaking project. Nauna riyan, namayani rin si Richard Gomez sa prime time, sayang nga lang at kailangan na naman siyang tumigil dahil pumasok ulit sa politika. Nangyayari iyan dahil after all these years, maliwanag na kailangan pa rin naman natin ng mahuhusay na leading men, iyong mga totoong actor.

Kaya nga marami ang nagsasabi, ang isa pang dapat nilang kumbinsihing magbalik ay si Aga Muhlach. Siguro nga, dahil iyan namang si Aga ay masinop talaga sa buhay, napaghandan na niya nang husto ang kanyang kinabukasan. Maganda naman ang kanyang mga negosyo kaya puwede na nga siya sa pribadong buhay.

Pero nakahihinayang isipin na may isang magaling na actor, na kung magiging aktibo lang muli ay tiyak namang susuportahan pa ng publiko na nariyan lang at walang ginagawa. Nakahihinayang dahil sa ngayon ang daming artistang may hitsura nga, pero kung hindi pa mumurahin ng director maghapon at magdamag ay hindi makaarte.May alam kaming ganyan, nailihim nga lang.

Sana makumbinsi na rin nila ulit si Aga na balikan ang acting. Nakaihinayang kasi talaga eh, may mga mahuhusay na actor na nagpapahinga lang.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …