Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sancho delas Alas, palaban sa mga challenging na role

021016 Sancho delas Alassancho

00 Alam mo na NonieSINABI ni Sancho delas Alas na excited siya sa bago niyang pelikula na pinamagatang Area (Magkera naka, Magkanu) na mula pa rin sa film outfit ng Queen of Indie Films na si Ms. Baby Go. Kaya naman hindi raw siya nagdalawang isip kahit papel ng isang bugaw sa mga babaing mababa ang lipad ang natoka sa kanya rito.

“Hindi po, actually ngayon po, parang lahat po ng bagong role, or any role po na ibinibigay po sa akin parang nae-excite po akong trabahuhin, since kaka-start ko lang po sa showbusiness and eto pong Area yung pinakauna na serious role po and pinakaunang indie film na masasalihan ko,” sagot niya sa amin sa birthday party ng Lady Boss ng BG Productions International na isinabay na rin sa launching ng tatlong bagong pelikula nila.

Sa tingin mo challenging ang ganoong role para sa iyo? “Opo, kasi paano ba maging isang bugaw? Ano po bang criteria ng isang bugaw? So, medyo kailangang magre-research po ng kaunti.

“Siguro, maghahanap din po ako ng isang bugaw, para may magga-guide sa akin na puwede kong gayahin. Kasi usually po, ang bugaw na nakikita ko ay puro babae din po eh.”

Pero ikaw ano ka rito, bading? “Lalaki po, ako po ang kanang kamay ni manager na gagampanan ni Kuya Allen (Dizon).”

Seryoso raw talaga siya sa career niya sa showbiz, kaya kahit bading na role ay game rin siya. “Kaya rin po, okay din po tayo sa gay role. Kahit ano po iyan, basta gusto ko lang po talagang mahasa sa pagiging isang magaling na actor,” nakangiting wika pa ni Sancho.

Bukod kina Sancho at Allen, ang Area ay tatampukan ni Ai Ai delas Alas. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …