Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boobsie Wonderland, ‘di pa rin makapaniwalang magso-show sa Big Dome

020316 Boobsie

00 Alam mo na NonieHANGGANG nagyon daw ay hindi pa rin makapaniwala ang fast rising comedienne na si Boobsie Wonderland na sa February 13 ay isa siya sa tampok sa gaganaping concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang Panahon Ng May Tama: ComiKilig .

Bukod kay Boobsie, kasama rito sa concert na produce ng CCA Entertainment Productions Corporation sina Gladys ‘Chuchay’ Guevarra, Ate Gay, at Papa Jack. Ito ay mula sa panulat at direksiyon ni Andrew de Real.

“Opo as in grabe rin ang pagkamangha ko. Minsan najo-joke ko lang na balang araw magso-show din o mapapasama rin ako diyan na mag-concert sa Araneta Coliseum. Kasi, magaling akong performer at pang masa,” nakatawang saad sa amin ni Boobsie.

“Ito na nga siya. Kaya very thankful po talaga ako kay Mr. P (tawag niya kay Joed Serrano as in Mr. Producer) at nakita niya ang talento ko.Yahoooooo! Thank you po Lord!” dagdag pa niya.

Paano mo ide-describe itong concert ninyo sa Araneta nina Ate Gay, Papa Jack at Gladys?

“Total package po ito, total performer as in po. ‘Ika nga, siksik liglig at umaapaw sa saya ang mapapanood nila sa Araneta.”

Nilinaw naman ni Boobsie na walang patalbugang magaganap sa kanilang apat sa kanilang concert.

“Naku wala pong patalbugan… ang goal po kasi namin ay mapasaya at super mag-enjoy po talaga ang mga manonood,” wika pa ni Boobsie.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …