Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle de Leon, nanalo sa lotto?

012916 lotto love Isabelle de Leon Martin Escudero

00 Alam mo na NonieKUNG mananalo si Isabelle de Leon sa lotto, ano ang gagawin niya? Ito ang tinanong ko sa talented na aktres/singer nang maka-chat ko siya kahapon. Ang latest movie niya kasi ay ukol sa isang dalaga na nanalo sa lotto.

Pinamagatang A lotto like love, entry ito sa Cine Filipino Film Festival. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Carla Baful at kasama rito ni Isabelle sina Martin Escudero, Dennis Padilla, Emmanuelle Vera, Ruby Ruiz, Mauro Lumba, Jacob Clayton, at iba pa

“Rom-com po ito at dito’y nanalo po ako sa lotto. Then, na-meet ko si Martin,” saad ni Isabelle.

Dagdag niya, “Iyong character ko bale mana-nalo sa lotto, tapos nagkaroon ng twist sa story at doon na yung start ng story. Bale, bawat numbers na tinayaan may back story po siya.”

So, kung sakaling sa totoong buhay ay manalo siya sa lotto, ano ang gagawin niya?

“If ever manalo ako sa lotto, although hindi pa ako nakasubok tumaya, gusto ko, magtatayo po ako ng orphanage. Iyon po, bahay ampunan, tapos ay tuturuan yung mga bata tungkol sa word of God, music, arts, ganoon po… Pangarap ko po yun, e.” esplika pa sa amin ni Isabelle.

Si Isabelle ay nagsimula bilang child star. Nakilala siya bilang Duday na isa sa anak ni Vic Sotto sa sitcom na Daddy Di Do Du sa GMA-7. Mas humataw siya bilang child actress sa pelikulang Magnifico na pinagbidahan ni Jiro Manio at pinamahalaan ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Dahil sa pelikulang ito, noong 2004 ay nanalo si Isabelle sa FAMAS bilang Best Child Actress. Sa parehong taon at sa parehong pelikula rin, na-nominate naman siya sa Gawad Urian Award para sa kategoryang Best Supporting Actress.

Nang usisain ko pa siya kung ano ang dream role niya, iyong mga challenging na papel daw ang pangarap niyang magampanan sa hinaharap.

“Iyong role po na may multiple personality disorder. Challenging at nakaka-excite gampanan, kasi, ang daming characters pero iisang tao lang.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …