Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, bakit pinapahaba ang pagiging Paloma?

012716 Coco Martin Paloma

00 Alam mo na NonieNAPANSIN namin na tila masyadong humahaba na ang pagiging Paloma ni Coco Martin sa top rating TV series na Ang Probinsyano sa ABS CBN.

Nagpanggap sa seryeng ito si Coco bilang isang babaeng nagngangalang Paloma, upang ipain ang kanyang sarili sa sindikatong nangki-kidnap ng magagandang babae. Lalo’t kabilang sa nabiktima ng naturang sindikato ang hipag niyang si Carmen na ginagampanan ni Bela Padilla.

Totoo namang novelty ang dating nang unang nagpanggap na babae rito si Coco. Maganda kasi ang tindig at ang rehistro sa TV ng award winning actor. Bukod pa sa mukhang babae talaga si Coco rito, carry niya talaga ang pagbabalatkayo alang-alang sa tawag ng serbisyo at pagliligtas sa na-kidnap niyang hipag. Pero tila nalilibang yata ang mga nasa likod ng seryeng Ang Probinsyano dahil sa magandang feedback at pagtanggap ng publiko sa pagiging Paloma ni Coco. Kaya parang nakakalimutan na nila na mahalaga ang time o ang paghahabol nila sa oras para makita at mailigtas si Carmen. Sa mga ganitong kaso ng kidnapping/white slavery, may mga eksperto na nagsa-sabi na sa certain time na hindi agad na-rescue ang biktima, mas malabo o mahirap nang matunton.

Sa huling nakita ko sa Ang Probinsyano (na hindi ko napanood nang buo dahil sobrang bagal sa I Want TV), sumabak pa sa beauty contest si Coco aka Paloma para sa Perlas ng Pasig 2016.

Nakakatuwa nga ang pagrampa ni Coco rito at ang kanyang alindog bilang si Paloma, pero parang lihis na ito sa plot ng pagpapanggap ni Coco bilang si Paloma. Kaya siya nagpanggap na babae ay para mahanap si Carmen. Pero, ano ba ang maitutulong sa kaso ng paghahanap kay Carmen kung sasali siya sa beauty contest? Suggestion lang po namin, sana, im-bes tumagal pa ang pagi-ging Paloma ni Cardo, tadtarin na lang nila sa mas matitinding aksiyon pa ang bawat episode ng Ang Probinsyano, para mas lalong mag-enjoy ang mga barako nilang viewers.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …