Saturday , November 23 2024

May mahihita ba ang sambayanan sa Mamasapano reinvestigation sa Senado?

00 Bulabugin jerry yap jsyNGAYONG araw ay bubuksan ang reinvestigation sa Mamasapano incident.

Eksaktong isang taon at dalawang araw, Enero 27 (2016) pagkatapos ng nasabing insidente, muling pinabubuksan ni Senator Juan Ponce Enrile ang imbestigasyon dahil mayroon umano siyang ihaharap na bagong ebidensiya.

Hindi na raw niya kailangan ang kopya ng audio recording sa pagitan ng isang ‘mataas na opisyal ng gobyerno’ at isang ‘mambabatas’ na hawak ng isang Chief Supt. Diosdado Valeroso.

Ang nasabing usapan umano ay may higing na i-cover-up kung ano ang tunay na pangyayari sa Mamasapano incident.

Pero ayon kay Senator JPE, hindi na umano dapat i-subpoena kung sino man ang mayhawak ng ebidensiya, dapat na magpakita na agad sila sa Senado.

Pero hindi sang-ayon ang ilang Senador sa ihaharap na ebidensiya ni Valeroso kasi lalabas umano na wiretapping ito.

Ang inaabangan ng sambayanan ngayon ay kung gaano ‘kalakas’ ang paputok na ito ni Senator JPE.

Nakagigimbal ba talaga ito at kayang ipakulong o i-impeach si PNoy at ang kanyang mga alyado?!

O ito’y isang tila ‘supot’ na paputok?!

Totoo rin kaya na ang layunin ng pag-iingay ni JPE ay para makapagpiyansa ang kanyang chief of staff na si Gigi Reyes, kilala sa Senado bilang ika-25 senador?!

Pero knowing Enrile, hindi siya sanay gumamit ng mga ‘supot’ na paputok.

Kumbaga sa galaxy, mas kilala si Enrile sa kanyang BIG BANG operations.              

Let’s wait and see kung mayroong kagulat-gulat sa mga ilalabas na ‘ebidensiya’ ni Senator JPE.      

Bigyan ng ‘loyalty award’ si Paul Versoza ng BI!

SAYANG naman at natapos na ang anniversary at ang Christmas party ng Bureau of Immigration (BI) dahil wala nang pagkakataon si BI Comm. Ronaldo Geron para magbigay ng “Loyalty Award!”

Number 1 candidate at irerekomenda ko sana si PAUL VERSOZA na isa sa terminal heads ng NAIA!

Bakit ‘kan’yo?!

E hindi ba nga, noong inaakala niya na hindi na bababa ng puwesto si Fred ‘pabebe boy’ Mison ‘e dali-dali raw nagpa-meeting sa BI-NAIA at sinabi na dapat ay maging loyal daw silang lahat kay Mison dahil uupo pa raw until July 2016!

Bwahahaha!!!

So ngayon, nasipa na si Pareng Fraud ‘este’ Fred Mison sa BI heto naman at nakikitang panay ang samba ‘raw’ sa bagong upong bossing ngayon sa BI main office?!

Pakengsyet!!!

Nuknukan pala ng balimbing ang punggok ‘este’ mamang maliit na ‘yan!?

Maraming immigration officers ang nagbalita sa atin na matapos daw mabasa ‘yung naunang isinulat natin tungkol sa isang maliit at maitim na mama sa BI-NAIA, kontodo ngalngal at ngawa daw ‘yang si Paul panot ‘este’ Versoza at galit na galit kahit wala naman tayong binabanggit na pangalan.  

Hahaha!

Ang tao nga naman… kapag talagang guilty madaling makaramdam!?

Well, ang masasabi lang natin sa ‘yo parekoy, ‘wag mo na kaming paandaran.

Alam na alam naman namin ang karakas mo, ‘di ba?

Kung ang iniidolo mong si Mison, hindi namin kinasindakan, ikaw pa kaya?!

Unsolicited advice P’re, medyo konting practice ng loyalty lalo na sa mga tao na nagbigay sa ‘yo ng pagkakataon at tiwala.

Isipin mo naman ‘pag kaharap mo ang boss mo kontodo pabebe ka. Pero pagtalikod doon ka naman sa kabila?!

You’re so gross!!! Sa tagalog GRABE!

And don’t forget, “Don’t bite the hands that feed you!”

Gets mo na?!

Pulis-pulisan sa Cainta City Hall

GOOD pm sir Jerry Yap, pakikalampag po ang mayor ng Cainta, may 1 empleyado n akala mo pulis kumilos dahil nka uniform xa na pants ng pulis at black jaket pero nasa road clearing dept xa. May issue n po ng kotong ky Romeo Macawili. Pakiobserba po kung my asset kau pra mniwala po kau. Don’t publish my no #+63936299 – – – –

Ayaw buwisan si Ms. Universe

GOOD day this government is out of their minds especially the Pres Aquino. Pati b nman ung mga napanalunan ni Miss Universe Pia Wurtzbach kasama na ‘ata sa ipata-tax #+63922634 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *