Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lalaking sinaksak sa kamay, patay (Dugo naubos)

PATAY ang isang lalaki nang maubusan ng dugo matapos saksakin sa kanang kamay ng katagay, sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) sanhi ng pagkaubos ng dugo ay kinilalang si Rogelio de Luna, 34-anyos, construction worker at residente sa Dagat-dagatan, Navotas City.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Erwin Encion, nasa hustong gulang ng Ugnayan St., Brgy. Concepcion, Malabon City na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Roger Gonzales, unang nakitang nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang iba pang kakilala sa kahabaan ng Lamcota St., Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod.

 Matapos makaubos ng ilang bote ng alak, dakong 3:00 p.m., nalasing ang biktima at ang suspek hanggang bigla na lamang magtalo dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Agad tumayo ang suspek at umuwi ng kanilang bahay ngunit makalipas ang ilang sandali ay muli itong bumalik na armado na ng patalim at pagkakita kay De Luna ay inundayan ng saksak sa kanang kamay.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi natukoy na direksiyon dala ang ginamit na armas habang isinugod naman sa nabanggit na pagamutan ang biktima gamit ang pedicab ngunit dahil may kalayuan ang pagamutan sa pinangyarihan ng insidente posible umanong naubusan ng dugo si De Luna bago pa dumating sa ospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …