Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jana, binigyan ng free-trip sa Singapore ni Sylvia Sanchez

072215 Jana Agoncillo Sylvia Sanchez

00 Alam mo na NonieKASALUKUYANG nasa Singapore ang ABS CBN child star na si Jana Agoncillo. Ito’y sa kagandahang loob ng isa sa nanay-nanayan ni Jana na si Ms. Sylvia Sanchez. Naging malapit sina Jana at Ms. Sylvia, pati na si Ria Atayde bilang Teacher Hope, sa kanilang katatapos lang na top rating TV series na Ningning.

After ng Ningning, naghihintay pa ng next project si Jana sa Kapamilya Network. Pero labis-labis ang pasalamat ng ina ni Jana na si Mommy Peachy sa Dos.

“Siyempre po antayin na lang namin kung ano po ang next project ni Jana, kasi mahirap din po mag-expect. Basta po kami, lagi kaming nagpapasalamat and laging naka-set sa mind namin kung mayroon man o walang project, okay lang. Basta laging magpasalamat, unang-una na sa ABS CBN at sa mga taong tumutulong kay Jana.”

Nabanggit din ni Mommy Peachy na sa unang pagkakataon ay nakaranas magkapelikula si Jana. May maliit na role ang cute na child star sa pelikulang Everything About Her na tinatampukan nina Batangas Governor Vilma Santos, Angel Locsin, at Xian Lim.

Ang papel daw ni Jana sa Everything About Her ay isang sampaguita vendor. Maliit man daw ang papel ng bibang child star, sobrang natuwa raw si Jana dahil naka-eksena niya sa naturang pelikula sina Gov. Vi at Angel, pati na si Xian.

Ayon sa mommy ni Jana, ipinaliwanag daw niya sa kanyang anak kung sino at ano ang estado n Gov. Vi sa showbiz industry, pati na rin si Angel.

Ang Everything About Her ay showing na sa January 27 at ito ay mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …