Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapangyarihan ng Brgy. Kapitan  

00 pulis joeyHINDI matawaran ang kapangyarihan ng Barangay Kapitan o Punong Barangay o Barangay Chairman.

Oo, kahit Presidente ng bansa ay masaring manumpa kay Kap!

Hindi ba si Pangulong Noynoy Aquino (PNoy) ay sa isang barangay chairman sa Tarlac nanumpa noong bago maupo sa Malakanyang?

Si Senador “Koko” Pimentel ay sa isang barangay kapitan din nanumpa noong manalong Senador sa kanyang protesta laban kay Migz Zubiri.

Kaya talagang hindi matawaran ang kapangyarihan ng isang Punong Barangay.

Mahirap ang maging ama/ina ng barangay. Sila ang nagsisilbing engineer, pulis, abogado, judge at tagapagpatupad ng batas. 

Sa halos lahat ng problema ng kanyang constituents ay maaaring mamagitan si  “Kap” tulad ng problema ng mag-asawa, magbiyenan, magsyota, utang na hindi nagbabayaran, away ng magkakapitbahay, pagpalibing ng namatay kapag walang kakayahan ang pamilya, etc…

Alam ko ito dahil naging ama rin ako ng barangay noon. Kaya wag tawaran ang kapangyarihan ni Kap!

Ang barangay ay ‘non partisan.’ Kaya hiwalay ang kanilang eleksiyon kada tatlong taon at tatlo rin ang kanilang termino tulad ng ibang local officials tulad ng gobernador, kongresista at meyor.

Kaya hindi dapat pailalim o pa- “under de saya” sina kapitan at kagawad kay Meyor, Kong. at Gob. Dahil pare-pareho lang naman kayong halal ng bayan.

Hindi rin maaaring ipitin ni Meyor ang pondo at proyekto ng barangay or else swak siya sa Ombudsman o DILG.

Kaya mga kapitan at kagawad manindigan kayo! Exercise your power! Never na magmano o manikluhod kay Meyor. Basta’t nasa tama kayo, manindigan, ipaglaban ang inyong kapangyarihan. Kayo ang “The Amazing Kap!”

Mabuhay!

Nang mawala ang pork ni Kong., nawala ang tulong sa mamamayan

– Pinag-uusapan palang alisin ang “pork barrel” noon ay tumigil na sa pagtulong ag mag-asawang Cong. Joseph Violago ng San Jose City.  Maraming may sakit na nalungkot na humihingi ng tulong na nabigo kasi ‘di na raw sila makatutulong kasi ala na raw pork barrel. Ewan ko ngayon malapit na ang eleksyon kung ano ag sagot nila sa mga nangangailangan ng tulong. – 09358682…

Sa press release lang ‘yang sinasabi nilang wala nang ‘pork’ ang mga kongresista o senador. Papayag ba naman ang mga ‘yan na walang ‘raket’ mula sa kaban ng bayan? Sabi nga ng mga Bisaya: “Iyot ah!

 Talamak NA bentahan ng shabu at sugalan sa sakop ng MPD PS8

– Sir Joey, report ko lang para sa mga maykapangyarihan laluna sa taga-City hall na dito sa barangay namin sa Carlos Palanca st., San Miguel, 648, ay talamak ang bentahan ng iligal na droga na shabu pati mga sugal na video karera. Ang masaklap pa po kami ay malapit sa presinto 8 (MPD) at parang wala silang alam, kasi may lagay yung mga pulis. Wag po ilabas abg numero ko, delikado. – Concerned citizen

Kung ‘yan ay malapit lang sa police station, hindi posibleng sa mga gagong pulis galing ang mga inilalakong shabu diyan at malamang sa kanila rin ang mga makina ng video karera o fruit games. Aminin!

Pinaayos na palengke ni ex-Mayor Hagedorn pinabayaan na…

– Good pm po, Sir Joey. Dito po sa palengke ng Puerto Princesa City, Palawan. Simula nang pina-renobate ni ex-Mayor Edward Hagedorn ang old palengke ng Puerto Princesa  City, hindi na po nakakaranas malinisan ang mga kanal at mawalisan ng mga utility ng Areza Corporation. Tapos dito mo lang makikita na ang basurahan dito po mismo sa loob ng  palengke malapit lang po ito sa China town. Paki-katok naman po sa pamunuan ng Areza Corporation. Nakakahiya po kasi sa mga bisita. Maraming salamat po. – Concerned citizen, 09363817…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …