Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessa, nag-beastmode dahil sa anak na dalagita

012116 jayda bailey jessa zaragoza
NASA beastmode si Jessa Zaragoza dahil nilait nang husto ang anak niyang si Jayda Avanzado sa Instagram.

Nag-upload kasi itong si Jayda ng isang selfie photo na kasama niya ang Kapamilya hottie and now a singer na si Bailey May.

Ayun, nagwala ang BAILONA fans (Bailey and Ylona Garcia) dahil sa photo na ‘yon. Kung ano-ano ang itinawag nila sa 12 year old daughter nina Jessa atDingdong Avanzado. Worst, minura pa nila ang dalagita.

“Because of a photo that was taken with all the good intentions, Jayda’s IG was bombarded with hateful speech. As a mother, I feel so bad for my daughter because she’s too young to experience this kind of hate. She didn’t even do something wrong. People nowadays treat other people as if they own them, and it’s very disturbing. I hope that we learn how to respect others. Hate is the very foundation why our world is in shambles, why there’s so much violence around. Let’s make a difference and spread positivity and love instead. It’s what God wants us to do,” message ni Jessa sa kanyang Facebook account.

“Below the belt na mga sinasabi niyo tungkol kay Jayda. May mura pa at kung ano ano pa. Sobra na kayo!” dagdag pa ng nanay ni Jayda.

Para sa BAILONA fans, ito naman ang say ni Jessa.

“Jayda will enter showbizness as a singer. Wala sa plano ang love team love team o pag-aartista for now. Kaya maghunos dili kayo sa pag-aakusa.”

O, loud and clear ‘yan, ha. Pagkanta at hindi pag-arte ang gagawin ni Jayda.

Jayda, opening act sa The Vamps
BONGGA si Jayda, ha. Siya pala ang opening act para sa concert ng British pop band na The Vamps on January 30 sa Mall of Asia Arena.

Noong concert nga ni Jessa sa Music Museum ay napanood namin sa video ang galing niyang kumanta. Talagang nagmana si Jayda sa kanyang mga magulang na magaling na singer, sina Jessa at Dingdong Avanzado. Plus factor na ang ganda rin niya.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …