Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug pusher itinumba sa computer shop

PATAY ang isang hinihinalaang drug pusher makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek na sinasabing miyembro ng drug syndicate, habang ang biktima ay abala sa paglalaro sa loob ng computer shop sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang agad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Raymund Mina, 26, ng 41 Genesis Alley, Brgy. 143, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Ayon kay Caloocan Police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) chief, Insp. Ilustre Mendoza, dakong 6:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng computer shop sa 151 Genesis Alley corner Mascardo Street, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Habang abala ang biktima sa paglalaro ng games sa computer, nilapitan siya ng suspek at pinagbabaril saka mabilis na tumakas.

Hinala ng pulisya, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …