Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, never nang-iwan

051515 herbert bistek
NAGPAALAM naman ng maayos si Mayor Herbert Bautista sa producer ng pelikulang si Kris Aquino ang leading lady. Hindi totoo na basta iniwan or hindi siya sumipot sa final decision niya. May dahilan  si Mayor Herbert, hindi pa niya alam kung ano ang tatakbuhin niya sa national election sa 2016.

“Hindi ho ako nang-iwan or nang-iiwan ng trabaho. Worried lang ako dahil baka nga maging cause of delay ako, sayang naman, at magagalit sila sa akin,” ani Bistek.

Pero swak na swak ang tambalan nila ni Diamond Star Maricel Soriano sa pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films at Heaven’s BestEntertainment, isang epic movie. At take note, isa sa mga ikagugulat ng moviegoers ay parang hawig sa pelikulang  markado na sa kanilang isipan. Eh, title pa lang, alam mo na, ito ay Shake, Shaker, Shakest.

Sa totoo lang spoof ng nasabing horror movie ang ilang bahagi ng movie nina Herbert at Maricel. Isinulat ito ni Bob Ong at idinirehe ni Andoy Ranay. Once an actor, forever na artista ka lalo’t magaling kang umarte. Eh, knows mo naman sina Herbert at Maria, super galing na artista. Kaya wala silang kupas, pagharap nila sa kamera trabaho agad.

Between the two, mas nerbiyoso si Herbert, maingat magbitaw ng dialogue. Kasi, kahit kilala na nila ang isa’t isa ang tawag ni Herbert sa Diamond Star ay Ate Cel, malaki ang takot at respeto ni Mayor kay Maricel.

NO PROBLEM DAW – Letty Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …