Pero nilinaw din ng tanyag na box office director na mabuti ang kanyang intensiyon para mapaganda ang show. Hindi rin daw niya alam na baguhan si Alvin. Idiniin din ni Direk Cathy na hindi siya masamang tao.
Sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda na ilang beses naging emosyonal at napa-iyak ang direktor, ipinahayag ni Direk Cathy ang kanyang panig.
“When I found the letter, he was right, I really cursed, but not at him, well, ilalagay ko lang sana sa konteksto. Hindi naman kasi nakalagay sa letter, ilang beses siya nagkamali. Hindi rin naman nakalagay sa letter, ilang beses paulit-ulit kunan yun. Hindi rin nakalagay sa letter, anong scenario ang bumabalot kung bakit ako nakara-ting sa ganoong emosyon.
“I admit nagkamali po ako, I admit nagmumura po ako, I never lied, I never lied to anyone. Kahit saang presscon, kahit saang interview tinatanong ako, ‘Direk, ikaw ba ay nagmumura?’ ‘Opo.’
“I turn into a monster, I morph, with all good intentions of course, na sana mapaganda iyong show, mapa-arte iyong artista, makuha iyong kailangan para maging maganda iyong show. Pero hindi ko ipinagtatanggol na tama ang ginawa kong pagmumura. Mali, mali ang magmura. Pero sana, ilagay natin sa konteksto,” pahayag ng direktor.
Nilinaw din ni Direk Cathy na sa ikatlong pagkakamali lang daw ni Alvin at saka siya nagmura. “Iyong sumunod, nagsalita ako. To be exact, ang sinabi ko, ‘Sino ba ang kausap mo? Ba’t di ka tumingin? Tingnan mo, ang kulit mo naman, e, pakshet ka!’
“Hindi ko sinasabing itinatama natin ang pagmumura, pero dito sa atin, may ibang kahulugan ang pagmumura. Hindi na siya mura to degrade or to humiliate or to insult anyone.
“And yet, hindi ko itinatama. Alam kong nagkamali ako. Kayang-kaya ko namang mag-apologize. Hindi pala niya alam ang lengguwahe ng industriyang ito. Kung sinabi lang niya, kung nalaman ko lang right away, I would have gone to him at sasabihin ko, ‘Sorry, hindi ka pala sanay.’ Dumating ka sa akin bilang aktor, i-e-expect ko magde-deliver ka sa akin bilang isang aktor.”
Ipinahayag din niyang hindi siya masamang tao. “I am not intelligent. I am not as intelligent as him. But I am not heartless. I may have committed mistakes, I have made a lot of mistakes, I have offended people time and again.
“Hindi ako malinis na tao, hindi ako masamang tao. Nagmumura ako, yes. But I don’t think it’s a gauge of a good person or bad. And not because I’m religious, I am neither religious nor pagan, but I just believe in the higher God.”
Ipinahayag din ni Direk Cathy na hindi maliit ang tingin niya sa mga ekstra. “Of course not. Nagsimula ako sa simulang-simula. Dumating ako sa industriyang ito, walang kaalam-alam. It took these people, these good people to teach me, but I had my share of those cursing and humiliating words.
“Hindi ko alam na nasaktan ko siya. Had I known, I would have said sorry. It’s not hard for me to say sorry and accept my mistake. Hindi ako perfect. Lagi kong sinasabi ni hindi nga ako matalino, alam ko ‘yon. Nagkataon lang siguro na marunong lang akong mag-direk, and a director is not a god. If only he could understand the business, if only he could just get in and find out what’s going on, and then he’d realize a director is not a god.
“But I have my responsibilities as a director. I have my commitment to the network, to my boss, to Tita Malou (Santos, Star Cinema managing director) Tita Cory (Vidanes, ABS-CBN production head). Lagi, sa bawat project nakataya ang leeg ko. Minsan siguro, mahirap lang talaga sa pagtaya ng leeg na iyon, nahihirapan kang hindi magalit at hindi magsalita nang masakit. At kung nagawa ko man, I am sorry to all who I offended.”
Bago nagtapos sa naturang panayam, sinabi pa ni Direk Cathy na sana raw ay may natutunan silang dalawa ni Alvin sa naturang insidente.
“Sana may matutunan kami pareho dito, pati ang kompanya, pati ang mga katrabaho ko, lahat. I believe things happen for a reason and believe this also has its own and in time, makikita namin pareho. I just hope na wala nang madadagdagan pang masasaktang tao.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio