Dapat nang humarap si Binay sa Senate prove
Joey Venancio
January 6, 2016
Opinion
DITO ako bilib kay Senador Antonio Trillanes, talagang concentrated siya sa mga empleyado ng gobyerno na pangunahing nakatutulong sa mamamayan.
Tulad lamang ng paggigiit niya ng mga batas para sa dagdag suweldo at pension sa mga sundalo, pulis at titser.
Maging si Pangulong Noynoy Aquino ay madalas niyang banggain at kalampagin para maisabatas na ang karagdagang suweldo at benepisyo ng mga nabanggit na bayaning buhay.
Tinututukan din ngayon ni Trillanes ang pagsabatas sa karagdagang pension sa SSS ng senior citizens.
Darating rin kasi ang panahon na magiging senior citizen siya. Hehehe…
Maaalala na si Trillanes ay nahalal na senador habang nakakulong sa kasong paglaban sa katiwalian sa AFP at sa administrasyong Arroyo.
Last termer senador ngayon si Trillanes at independent vice presidentiable siya. Pero dinadala niyang presidente si Senador Grace Poe.
Si Trillanes ang dinadala ng Magdalo, ang grupo ng mga nagrebeldeng sundalo noong panahon ni GMA.
Gusto ko ang prinsipyo ni Trillanes.
Anong say n’yo, mga pare’t mare?
Hulidap na mga pulis sa Cavite
– Sir Joey, report ko ang mga pulis dito sa amin sa Dasmariñas, Cavite. Sobra na sila! Grabe mangikil! Kahit wala kang kasalanan hinuhulidap ka. Sana makarating sa aming mayor at congressman. – Concerned citizen
Magsumbong kayo sa Mayor’s Office diyan sa Dasmariñas o kaya’y kasuhan ninyo sa Napolcom o DILG. ‘Yang mga pulis na abusado ay walang puwang para magsuot ng uniporme. Mga demonyong pulis ‘yan!
Maternity leave
– Sir Joey, tanong ko lang po tungkol sa maternity leave. Kasi po nang manganak yung nanay ng bata nag-file sya ng maternity leave, nakakuha sya ng P18K. Tapos nag-file din po yung pinsan nyang babae, hindi naman nanganak pero nakakuha ng P20K. Bale isang sanggol dalawang birth certificate kinuha nila. Sir, sakali po malaman ito ng SSS maaari po ba silang maparusahan. Sakali po ano po ‘yung magiging kaso nila sa kasalanan na ginawa nila? Antayin ko po ang sagot nyo. God bless. – 09083062…
Hindi ako abogado. Pero sa tingin ko ay walang problema sa SSS ‘yan. Dahil pera naman nila ‘yan at babayaran nila yan sa SSS. Ang problema, ang batang may dalawang birth certificates. Malaking problema ‘yan para sa bata pag lumaki siya at kinailangan ang birth certificate. Isa lang ang dapat na birth certificate ng bawat isa sa atin. Dahil isang beses lang naman tayong ipinanganak, right?
Dapat pirmahan na ni PNoy ang dagdag SSS pension
– Gud am, Sir Joey. Dapat pirmahan na ng Pangulong Aquino ang dagdag na dalawang libong pisong pension sa SSS. Hindi naman pera ng gobierno yan. Pera naman yan ng manggagawa. Salamat po. – 09466385…
Sa tingin ko ay pinag-aaralan pa ng Department of Budget and Management (DBM) under Sec. Butch Abad kung saan kukunin ang budget para sa dagdag pension sa SSS. Abangan natin ang paliwanag niya rito sa mga susunod na araw.
Perhuwisyong barangay official at anak na adik sa Brgy. 6, Bacolod City
– Sir Joey, good day. Report ko lang po: Nakakahiya po itong adik at lasenggong si (barangay official) ng Masagana Jalandoni, Brgy. 6, Bacolod City. Nagpapasikat umiinom sa kalye at hindi niya mapakulong ang adik at kawatan nyang anak na si “AF.” Araw-araw nalang walang ginawa kundi mang-snatch at magnakaw. Walanghiya kayong mag-ama, walang kayong nagawa sa barangay kundi puro bisyo ang inaatupag. Hwag nyo nang iboto sa election. Kahuluya kamo! – Concerned citizen
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015