PATULOY sa pag-hataw sa paggawa ng quality indie films ang BG Productions International ni Ms. Baby Go. Sa ngayon, walang dudang sila ang numero unong indie company sa bansa dahil sunod-sunod ang mga ginagawa nilang pelikula.
Kabilang sa pelikula nila ang Bigkis, Child Haus at Sekyu na kailan lang ay nagkaroon ng press preview. Next month naman nakatakdang ipalabas ang action movie na Tupang Ligaw na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli.
“Natutuwa ako na nakukuha namin ang mga artista sa mainstream, tulad nitong mga bagets na si Matteo. Napakabait niya at napakasipag. So, after Matteo, ito namang si Gerald Anderson ang gusto naming gawan ng movie para sa BG Productions.
“Gusto talaga namin na mag-offer ng iba’t ibang genre ng pelikula. Kaya bukod sa mga advocacy films ang ginagawa namin, mula sa drama at may action kami ngayon na Tupang Ligaw. Tapos ay horror naman ang kasunod,” paliwanag ni Ms. Baby nang makapanayam namin siya sa ginanap na Christmas party ng kanyang film outfit sa Horizon Hotel.
Present sa naturang Christmas party ang mga director ni Ms. Baby tulad nina Direk Joel Lamangan, Mel Chionglo, Neal Tan, Jason Paul Laxamana, at Paolo Bertola. Absent naman si Direk Louie Ignacio dahil nagbabakasyon daw ito sa Hong Kong.
After Tupang Ligaw, susunod naman nilang pelikula ay ang Iadya Mo Kami na pinagbibidahan ni Allen Dizon with Eddie Garcia, Ricky Davao, Diana Zubiri, at Aiko Melendez. Kasama rin sa natapos na pelikula ng BG Productions ang Laut ni Direk Louie Ignacio.
Ayon naman sa trusted right hand man ni Ms. Baby na si Dennis Evangelista, maraming planong gawing makabuluhang indie films ang BG Productions sa pagpasok ng 2016. “Ang Bigkis at Child Haus ay magkakaroon ng tour sa iba’t ibang eskuwelahan sa bansa. Ang Sekyu ay patuloy na pinapalabas sa abroad at magko-compete sa Bangladesh. Tulad ng Laut na ngayong February ay pupunta siya sa London at Portugal para sa competion. This January na ipalalabas ang Tupang Ligaw na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli. Ang Iadya Mo Kami ay kasali rin sa major festival sa Asia.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio