Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Haunted Mansion, highly recommended ni Direk Perci!

122115 Direk Perci Jun Haunted Mansion 

00 Alam mo na Nonie“YES, definitely highly recommended ang Haunted Mansion! At hindi lang dahil asawa ko si Jun, maganda at nakakatakot talaga ang movie,” ito ang ipinahayag ni Direk Perci Intalan nang makapanayam namin siya recently.

Dagdag pa niya, “Si Jun busy ngayon sa film niya for MMFF. Excited daw sina Mother Lily at Roselle, kasi napanood na nila ang Haunted Mansion and gandang-ganda sila. Maganda rin ang feedback sa trailer pa lang.”

Ang Haunted Mansion ay mula sa pamamahala ng award-winning director na si Direk Jun Lana. Ito’y isa sa entry sa MMFF 2015 at tinatampukan nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce.

Nang usisain ko si Direk Perci kung ano ang latest sa kanya, ito ang sagot niya sa akin: “Iyong film naman ni Jun na produced namin sa IdeaFirst, yung Anino Sa Likod ng Buwan, may special screening sa UP Film Center sa Jan. 18.

“May mga shows din kami na ginagawa ngayon for TV5. Tuloy pa rin yung LolaBasyang.com and #ParangNormalActivity and may new shows din kaming binubuo for TV5.

Paano niya ide-describe ang magtatapos na 2015? “2015 was a good year for us and for the industry. Sa amin kasi maraming festivals ang napuntahan ng mga pelikula namin ni Jun at awa ng Diyos, marami kaming napanalunang awards.

“For the industry, nakakatuwa na maraming kumitang pelikulang Pilipino at di lang mainstream. Pinilihan sa takilya ang That Thing Called Tadhana at ang Heneral Luna. Magandang senyales yun para sa industrya at inspiring yun para sa mga gumagawa ng independent films tulad namin sa IdeaFirst. Sana magpatuloy pa ang trend na ito sa 2016!”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …