Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May ‘Swimming Pool’ sa tapat ng city hall ng Mandaluyong

00 Bulabugin jerry yap jsyKUNG noong hindi umuulan, grabe ang baha sa harap ng Mandaluyong City Hall, aba ‘e mas lalo na nitong Martes ng gabi (kasagsagan ng bagyong Nona).

Nagmukhang ilog ang rotunda.

Makikita po ninyo sa larawan kung ano ang itsura ng Mandalu-yong City Hall bago bumagyo.

Grabe ang baha at mayroong malalim na hukay na walang ano mang palatandaan o babala para maipaalam sa mga pedestrian at sa mga motorista para makapag-ingat na huwag mahulog doon.

‘Yan pong hukay na ‘yan sa Maysilo St., at sa tapat mismo ng city hall ay isang taon nang inirereklamo ng mga residente, pedestrians at mga motorista.

Tatlong tao na ang muntik nang mahulog sa hukay na ‘yan buti na lang, agad nasasagip ng mga kapwa nila pedestrian.

Ang nakapagtataka bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ina-aksiyonan ni Mayor Benhur Abalos ang hinaing na ‘yan.

Gusto tuloy nating isipin na baka hindi nagpupunta sa city hall si Mayor Abalos dahil parang hindi niya nakikita kung anong perhuwisyo ang nararanasan ng mga residente, pedestrian at motorista na obligadong dumaan sa lugar na iyan.

‘E ano ba talaga, Mayor Benhur Abalos? Nag-oopisina ka pa ba sa tanggapan mo riyan sa city hall ng Mandaluyong?!

O baka naman naka-helicopter ka kapag pumapasok kaya hindi mo nakikita ‘yang baha at malalim na hukay sa tapat mismo ng city hall ninyo?!

O baka naman masyado ka nang busy sa pangangampanya?!

Aba, huwag ka naman mag-iwan ng sakit ng ulo!

Pandaraya ng STL operators sa gross sales at engreso nasilip ng COA

MAGING ang Commission on Audit (COA) ay kombinsido sa sinasabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ayong Maliksi na ‘dinadaya’ ng STL operators ang gobyerno nang halos P50 bilyon kada taon.

Ngayong naglabas ng ulat ang COA, lalong  tumibay ang naunang  akusasyon ni Chairman  Maliksi  na  sinasamantala  ng  ilang gambling lords ang kinasanayan nilang sistema sa STL operations.

Katunayan ay nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Chairman Maliksi para imbestigahan ang eskimang nagaganap at kinahiratian ng gambling lords.

Kabilang sa nabisto ng COA ang discrepancy sa actual gross sales at ang hindi pagbabayad sa halos P870.4 milyon documentary stamps tax mula 2013 hanggang 2014.

Kung ganito ang nangyayari sa PCSO, totoo rin kaya ang sinasabi ni Chairman Ayong na kasabwat ng mga sindikato ang ilan sa board members ng PCSO?

Ano ang masasabi riyan ni Atty. Jose Ferdinand “Joy” Rojas II?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …