Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina Halili, ayaw munang ma-in love ulit!

120415 katrina halili

00 Alam mo na NonieAYAW munang magmahal muli ni Katrina Halili. Sa ngayon, ang focus niya raw ay sa work at sa cute niyang anak na si Katie. Sino ang inspiration mo ngayon? “Si Katie, si God… yung trabaho ko. Kasi naman, hindi ka ba mai-inspired kung lagi kang may trabaho?”

Kamusta naman ang lovelife, malungkot ba? “Wala nga e, hindi naman sa malungkot, masaya naman ang buhay ko. Pero wala e. Ayaw ko kasing magmadali, dati kasi ay nagmamadali ako e. Kaya ngayon, gusto ko’y dahan-dahan lang,” saad ni Kat na bahagi rin ng Child Haus at TV series na Destiny Rose.

Nabanggit din niyang iba na ang pananaw niya sa buhay mula nang nagka-anak siya. “Ngayon pa lang ako nag-i-start na parang may planning na, na kung ano ang gusto kong gawin, ganoon. Hindi po tulad dati, na kung may trabaho, may trabaho. At kung walang trabaho, e di wala.”

“Ngayon parang… kung walang trabaho, at least ay may pupuntahan ako. Kasi hindi po ba, may ipinagawa kaming resort sa Palawan?”

Iyon bang Residencia Katrina Dive Resort mo sa El Nido, Palawan ang magiging fallback mo kapag hindi ka na masyadong active sa showbiz? “Iyon po, tapos, dahil parang gusto ko rin magluto-luto, gusto ko rin mag-aral ng culinary o baking, magtatayo ako ng bake shop.”

“Pero gusto ko ay ako mismo, kaya kapag wala na lang akong work (‘tsaka ko gagawin iyon). Kasi, may trabaho pa naman ako e.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …