Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taho vendor tiklo sa rape

ARESTADO ang isang magtataho makaraang gahasain ang anak na batang babae ng kanyang kinakasama sa loob ng bahay ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jan Loel Aranita, 30, ng 5982 Quisumbing Street, Area D, Camarin, Brgy. 178 ng lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse).

Sa ipinadalang ulat ni Senior Supt Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, dakong 6:30 p.m. nang magananap ang panggagahasa sa biktimang itinago sa pangalang Jean, 9-anyos.

Nang magtungo sa palengke ang ina at isang kapatid ng biktima, ang dalawa lamang ang naiwan sa bahay.

Napag-alaman na inutusan ng suspek ang biktima na isara ang pinto at pagkaraan ay pinaghihipuan ang dalagita at pinaghahalikan.

Pumalag ang biktima ngunit nagbanta ang suspek na siya ay papatayin kaya walang nagawa ang dalagita nang gahasain ng amain.

Nang dumating ang ina, agad nagsumbong ang biktima kaya mabilis na ipinaaresto ng ginang ang suspek sa mga barangay tanod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …