Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tama si Pope Francis

USAPING BAYAN LogoNAKALULUNGKOT na tama ang mensahe ni Papa Francisco mula sa Vaticano kaugnay ng mga karahasan na nagaganap sa mundo at sa walang katapusan na digmaan na pumatay na (at patuloy pa ring pumapatay) sa maraming tao sa Europa, Latin Amerika, Asya, at sa rehiyon ng Middle East-North Africa o MENA.

Ayon sa Papa sa kanyang homilya, isang balatkayo o palabas lamang ang parating na Kapaskuhan dahil ang pinili ng mundo ay digmaan, hindi kapayapaa’t pag-ibig. Ang dapat sa atin na mamamayan ng mundo, aniya, ay magtika at makaramdam ng pagsisi imbes magsaya ngayong darating na Pasko. Dapat humingi tayo ng banal na grasya para magkaroon ng kakayahan na lumuha para sa ating sarili at kapwa.

“Christmas is approaching: there will be lights, parties, Christmas trees and nativity scenes… it’s all a charade. The world continues to go to war. The world has not chosen a peaceful path,” ang sabi ni Papa Francisco sa kanyang homilya kamakailan, bago pa naganap ang maramihan na pagpatay at pangho-hostage sa isang hotel sa Bamako, Mali.

“We should ask for the grace to weep for this world, which does not recognize the path to peace. To weep for those who live for war and have the cynicism to deny it… God weeps, Jesus weeps… Those who make war are damned, they’re delinquents. War can be ‘justified’ for many reasons. But when the whole world is at war, as it is today… there is no justification,” diin ng Papa.

Partikular na pinuna ni Papa Francisco sa pagkakataong ito ang mga massacre sa Paris, Pransya at Beirut, Lebanon at ang pagpapabagsak sa isang eroplano na pampasahero ng Rusya. Gayon man hindi ito ang unang pagkakataon na kinondena ng Papa ng karahasan sa mundo.

* * *

Bilib ako sa tapang ng apog ng ilan sa mga pulpol na politiko na humarap sa media gayong wala naman silang masabi na makabuluhan para sila maging karapatdapat sa poder. Marami sa kanila ay pera, name recall at ganda o tikas lamang ang puhunan dahil walang laman ang utak.

Kawawa na naman ang bayang Filipinas kapag ang mga pul-politiko na walang alam uli ang naupo sa trono. Magiging para na namang isang student council o baril na teka-teka ang takbo ng ating pamahalaan. Tsambahan ang gagawin na pamamalakad at tiyak na magiging katatawanan tayo sa mundo.

Mahirap at delikado kung bobo ang maupo sa renda ng kapangyarihan lalo na’t nasa bingit ng kaguluhan ang Filipinas dahil sa iringan ng Tsina at Estados Unidos.

* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …