Saturday , November 23 2024

APEC, wala raw pakinabang?

00 aksyon almarMAY mga galit pero hindi naman sila tutol laban sa pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) dahil batid naman nila ang positibong kalabasan ng APEC sa bansa.

Galit ang ilan dahil sa trapik nito partikular na sa southern metropolis. Marami ang naipit sa trapiko – hindi lang naipit sa loob nang isang oras kundi hanggang apat o higit pa. E si Bong Son nga, aming magaling na photojournalist na nakatalaga sa Manila, umalis siya ng 6am sa kanilang bahay sa Cavite at dumating sa Manila 6pm na.

Ganoon ang perhuwisyong dulot ng APEC sa trapiko sa southern metropolis. Marami kasing mga lansangan ang isinara para gumaan ang daloy ng mga sasakyan ng mga bisita natin mula sa iba’t ibang bansa na dumalo sa APEC.

Mga motorista ang naipit na nagalit pero naintindihan naman nila ang lahat (batid naman nilang ang bansa ang makikinabang sa APEC) lamang ang higit na galit sa APEC ngayon ay mga mukhang perang mga negosyante lalo na iyong mga nakapuwesto sa mga isinarang lansangan.

Lugi negosyo raw sila kaya taliwas sa sinasabing pakikinabangan daw ang pagbisita ng maraming delegado mula sa iba’t ibang bansa. Hahahaha mga mukha kayong pera. Pulos pansarili ang iniisip pero para sa segirudad o proteksiyon ng bansa sa posibleng makaaway ay walang pakialam.

Hindi lang ang mga nabanggit ang galit sa APEC kundi higit na galit at kumakalaban sa pagdaraos ng APEC sa bansa ang mga naniniwalang hindi makikinabang ang bansa sa APEC at sa halip, ang makikinabang ay mga dumalo lalo na kapag nagpasok na raw sila ng negosyo sa bansa.

Naniniwala ang iba’t ibang grupo na ang APEC ang pumapatay sa maliliit na negosyo sa bansa.

Pero sa kalagayan ng bansa natin ngayon, hindi nga ba kailangan ng Filipinas (hindi si PNoy ha kundi ng bansa na) ang tulong ng iba’t ibang bansa? Sa situwasyon ng bansa ngayon sa kamay ng bansang China, hindi ba natin kailangan ang tulong o suporta mula sa mga miyembro ng APEC?

Sinasabi ng mga nagsisigaw na perhuwisyo ang APEC at walang maidudulot na maganda sa bansa… lalo na raw ang pagsuporta ng Amerika sa bansa.

Ano!? Mali yata kayo riyan. Hindi po tayo pro-Uncle Sam kundi huwag nang pairalin ang ‘pride.’ Kailangan ng bansa ang kamay ng ibang bansa lalo na pagdating sa pagtatanggol natin sa kinakamkam na teritoryo ng ‘Pinas. Wala pong magawa ang pulos daldal o sigaw at sa halip ang kailangan natin ngayon ay pagkakaisa at makiisa sa iba. Bakit? Kulang tayo sa gamit sa pagtatanggol sa bansa pero kung sana hindi pinagnanakaw ng mga gagong opisyal ng gobyerno at mga politicians ang kaban ng bayan sa loob ng maraming dekada, marahil kompleto tayo sa kagamitan at hindi na gaano hihingi ng tulong at proteksiyon sa mga higanteng bansa.

Ngayon, anong walang pakinabang sa APEC lalo na sa Amerika? Isang kasinungalingan ang lahat. Hindi pa man tapos ang APEC, malaki na ang naging pakinabang ng bansa. Sa pasalubong na lamang ng presidente ng Amerika na isang barkong pandigmaan at iba’t iba pang suporta para sa pambili ng kagamitang pandigmaan, masasabing medyo sulit na ang P10 billion na ginastos ng pamahalaan sa APEC.

Kaya, huwag muna natin pairalin ang pansariling interes kundi isipin muna natin ang pangkahalatan lalo na ang para sa proteksiyon ng bansa ngayon. Kita n’yo naman kung paano maliitin ng China  ang ‘Pinas.

Hindi ko naman sinasabing puwede na natin sabayan ang China dahil sa barkong ibinigay ni US President Obama kundi nakita natin dito kung gaano sumusuporta ang mga bansang miyembro ng APEC sa bansa at kung ano ang pakinabang ng bansa sa pagdaraos ng APEC dito.

Pero hindi kaya lalong ginatungan lang ng Amerika ang naglalagablab na apoy ng China sa pagbibigay ng barkong pandigma sa bansa?

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *