Wednesday , July 30 2025

Airport media hinigpitan sa ‘access pass’

NAKARARANAS nang iba’t ibang klase ng paghihigpit ang ilang in-house reporters at mamamahayag na nagkokober sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals matapos ang walang tigil na isyu ng kontrobersiyal na ‘tanim-bala’ hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Ayon kay Raoul Esperas, Pangulo ng NAIA Press Corps, Inc., ngayon lamang nangyari sa kasaysayan ng airport media ang ginagawang pangha-harass ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga mamamahayag na gustong magkober ng mga kaganapan sa loob ng pambansang paliparan.

Mismong si Esperas at mga kasamahang media network mula GMA 7, UNTv, Channel 5, ABS-CBN at Sonshine Tv ay nakaranas nang panggigipit mula sa ilang airport security personnel kahit na sila ay binigyan ng ‘access pass’ upang makakuha ng mga balita at impormasyon hinggil sa ‘tanim-bala’ incident.

“Noong mga nagdaang administrasyon ay hindi nila ginigipit o pinahihirapan ang mga mamamahayag na makakuha ng balita o impormasyon sa loob ng NAIA pero ngayon parang sinasakal nila ang kalayaan sa pamamahayag,” ayon sa isang radio reporter

Wala rin umanong maipakitang memorandum o kautusan ang security personnel kung sinong mataas na opisyal ng MIAA  ang nasa likod nang panggigipit kaya’t naniniwala ang mga mamamahayag na isa itong paraan upang maputol na ang isyu ng ‘tanim-bala scam’ sa pambansang paliparan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *