Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2016 nat’l budget ipapasa sa Disyembre

KOMPIYANSA si Senate President Franklin Drilon na maipapasa ang 2016 proposed national budget sa unang linggo ng Disyembre at agarang maisusumite kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, isang linggo bago sumapit ang 2016, para mapirmahan at maging ganap na batas.

Ayon kay Drilon, kanyang kakausapin si Senate Committee on Finnace Chairman Senadora Loren Legarda na kanyang i-sponsor ang 2016 proposed national budget sa Nobyembre 11 para maisalang na sa ‘period of interpellation.’

Tinukoy ni Drilon, panandaliang mauudlot ang pagtalakay sa budget sa Nobyembre 17 hanggang 19 dahil walang pasok bunsod ng APEC Summit.

Siniguro ni Drilon, agad ding maibabalik ang pagtalakay makaraan ang ilang araw na walang pasok.

Inamin ni Drilon, kanya ring pakikiusapan ang kanyang kapwa senador na aprubahan nila at matapos ang panukalang pondo sa unang linggo ng Disyembre.

Iginiit ni Drilon na mahalagang isabatas ang panukalang pambansang budget para sa 2016 bago matapos ang taon upang hindi isang re-enacted budget ang gamitin ng pamahalaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …