Friday , November 22 2024

Move on Mr. President!  — Bongbong

BBMIMBES makipag-away kay Sen. Bongbong Marcos, bakit hindi na lang pagtuunan ng pansin ni Pangulo Benigno Aquino kung paano niya  malulutas ang problema ng Filipinas tulad  ng mataas na presyo ng bilihin, koryente, tubig, bigas at mababang sahod ng mga manggagawa.

At ang trending sa buong mundo na ‘laglag-tanim-bala’ sa airport!

Sa halip na manawagang humingi ng “I am sorry” si Bongbong sa ginawang pagdedeklara ng Batas  Militar ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, mas makabubuting harapin na muna ni Aquino ang kasalukuyang problema ng taong bayan.

Ano ba ang nangyayari kay PNoy, kung tutuusin kasi, wala naman dapat ihingi ng sorry si Bongbong sa nangyaring pagdeklara ng martial law ng kanyang amang si Marcos.

Kung meron man, ang kailangan humingi ng paumanhin ay walang iba kundi si Aquino, lalo na sa usapin ng pagkakapatay sa 44 miyembro ng SAF na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng katarungan.

Hindi sapat na sabihin lang ni Aquino na inaako niya ang responsibilidad sa pagkamatay ng SAF-44 kundi dapat direkta siyang humingi ng tawad sa publiko, higit pa sa mga naulila ng mga napaslang na miyembro ng special forces.

Hindi lang sa isyu ng Mamasapano massacre kailangan mag- sorry si Aquino.  Paano naman ang iba pang mabibigat na isyu gaya ng DAP, Zamboanga massacre, Yolanda victims, ang pagkontra niya sa pagpapababa sa income tax, ang pangakong nakabinbin na Freedom of Information Bill, ang patuloy niyang “Noynoying” at iba pang mga kapalpakan ng gobyernong Aquino lalo na sa Bureau of Immigration.

Gaya nang pag-appoint ng isang greencard holder na mamuno ng ahensiyang ito?!

Unahin na muna ni Aquino ang mag-sorry sa kanyang pagkukulang sa publiko bago niya hamunin na humingi ng sorry si Bongbong. 

Malinaw ang pahayag ni Bongbong na wala naman siyang sinasaktan o nagawang krimen kaya paano umano siya magso-sorry sa taong bayan.

May punto naman ‘di ba?

Vindictive ba talaga si Aquino? Hindi marunong magpalagpas at talagang may katotohahanan talaga ang sinasabing merong hindi magandang pag-uugali at mapagtanim ng galit sa kapwa ba talaga si Noynoy?

Parang lumalabas na ‘Boy Resbak’ si Aquino.

Ang trip lagi ay makipag-away sa hindi niya kakampi at kapartido. Move on na dapat si Aquino at unahin na lang ang kalagayan ng mga api niyang kababayan.

Kung magagawa ni Aquino sa kanyang nalalabing mga buwan ng panunungkulan na matulungan ang mahihirap, sa palagay ko ay mas may magandang imahe siyang iiwan sa taong bayan.

Again Mr. President, please move on!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *