Saturday , November 23 2024

‘Wag bumili ng mumurahing pailaw (Masayang Pasko?)

00 aksyon almarPAGKATAPOS ng pagtitirik ng kandila, malamang magiging abala na ang marami sa pagkakabit naman ng naggagandahang pailaw “Christmas decorative lights” para sa selebrasyon ng Pasko.

Katunayan  nang pumasok ang buwan ng “ber” marami nang  nagkabit ng naggagandahang pailaw sa kani-kanilang bahay lalo na sa mga mall. Setyembre pa lang kasi, Pasko na sa ‘Pinas. Ang saya-saya ano.

Lamang, marami pa rin tayong mga kababayan ang matitigas ang ulo sa paggamit ng Christmas light o pagbili nito.

Ugaling Pinoy ang pinaiiral. Iyon bang okey na ‘yan.

Ugaling Pinoy ang bumili ng mura kahit na delikado basta’t magkaroon lang. Hirap daw kasi ng buhay. Mahal daw kasi ang mga matinong decorative lights.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin, marami nang nawalan ng tahanan kapag Pasko at mayroon din ang mga nawalan ng mahal sa buhay sanhi ng sunog. Yes, kadalasang pinagmulan ng sunog ay mga mumurahing Christmas lights. 

Para maging masaya ang Pasko at maiwasan ang trahedya, huwag pong maging matigas ang ulo. Iwasan ang pagbili ng mumurahing pailaw na mitsa ng trahedya.

Kaya tama lang si Quezon City Fire Marshal F/Supt. Jesus Fernandez sa kanyang panawagan sa mga kababayan natin na sumunod sa tamang pamantayan sa pagbili ng Christmas decorative lights ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Hindi lang mananawagan ang gagawing hakbangin ni Fernandez para matiyak ang kaligtasan ng marami kundi pangungunahan niya mismo ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga establisyemento na magbebenta ng mga ganitong uri ng pailaw.

‘Ika ng opisyal, madalas kasi na pinagmumulan ng sunog sa mga panahon ng Kapaskuhan ay mga depektibong Christmas Lights. Mga pailaw na hindi dumaan sa wastong pamantayan.

Alam naman ninyo siguro mga kababayan kung saan galing ang mumurahing depektibong mga ilaw – yes, nabibili ito sa Divisoria na mula naman sa bansang Tsina…at karamihan dito ay smuggled.

Kaya, dagdag ni Fernandez na kaniyang ipatutupad ang probisyon ng Republic Act No. 7349 o mas kilala sa tawag na Consumer Act of the Philippines kasama nila ang Department of Trade and Industry (DTI).

Iyon nga lang, sa kabila ng mga nangyaring trahedya dulot ng mga palpak na ilaw, marami sa ating mga kababayan ang nais makaisa o makalamang sa kapwa sa pamamagitan ng paghahanap ng murang presyo na pailaw o di kaya nagbebenta naman nito.

Inakala naman nila, nakatipid sila pero ‘yun pala ay sila ang naisahan dahil karamihan sa mga mumurahing ilaw ay may kaakibat na libreng lamayan blues. Oo pumuputok o sumasabog ang mga nasabing ilaw. At sa pagsabog, hayun abo ang aabutin ng kanilang bahay maging ang mga madadamay na kapitbahay.

Supt. Fernandez, hindi mahirap hanapin ang mga ganitong klaseng ibinebentang ilaw. Mada-ling makilala ito kaya habang maaga pa’y kilos na. Sa mga mall, nagkalat na ito maging sa palengke.

At siyempre, mayroon rin ang mga pagawaan dito sa Kyusi na gumagawa nito – pabrika na gumagawa o nag-import ng mga pailaw. Pinalalabas lang nilang

‘Factory Price’ kaya saksakan ng mura pero hindi naman ito dumaan sa tamang pamantayan na titiyak sana ang kaligtasan ng mga kababayan nating gagamit nito.

Hindi lang pailaw ang problema kapag Kapasukhan kundi maging ang mga ipinagbabawal na paputok. Kaya sa target din ni Fernandez sa kanyang kampanya o operasyon ay mga tinatawag na ‘guerilla vendors’ na walang Business Permit. Sila ang talamak na nagbebenta nito sa mga lansangan ng palengke.

Ayos ang hakbanging ito ni Fernandez, saludo tayo dito – iyon bang hindi na niya kailangan pang hintayin may mangyaring masamang trahedya bago kumilos.

Ang kay Fernandez, kailangan masawata agad bagong magkawindang-windang ang Pasko.

Tama kayo sa hakbangin ninyo sir. Suportado namin kayo.

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *