Friday , November 22 2024

Paano natakasan ng puganteng koreano ang ISAFP?!

mison cho seong dae quiapoHINDI natin alam kung ano ang nangyari sa mga kagawad ng Intelligence Service, Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na kinokomisyon ni Immigration Commissioner Siegfred Mison para maging bodyguard niya at ‘yung iba naman ay pinagdu-duty bilang jail guard ng mga high risk inmate sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility sa Bicutan.

Remember po, ang ISAFP ang numero unong intelligence agency ng military. Ibig sabihin, iba ang training at practice nila sa intelligence group ng    pulisya.

Kung hindi tayo nagkakamali, ilang kagawad ng ISAFP ang nagbabantay kay Cho Seong Dae nang ‘malayang’ makalabas sa Warden Facility sa Bicutan noong Setyembre 29.

Nang muling mahuli sa Parañaque City ang puganteng Koreano na si Cho, doon siya dinala sa ISAFP detention cell sa Camp Aguinaldo.

Mantakin ninyong ISAFP detention cell sa Camp Aguinaldo na ang pinagdalhan kay Cho pero as usual nakatakas na parang naglalakad lang sa Luneta ang puganteng Koreano?!

Ayon sa ilan nating impormante, nagpaalam umanong iihi si Cho kaya pinayagan siya. Pero pagbalik umano sa kanyang kuwarto mula sa comfort room, wala nang posas ang Koreano.

Heto pa, nang silipin noong madaling araw si Cho sa kanyang kama, ay unan na kinumutan na lamang ang nakahiga sa teheras at hindi na si Cho?!

Sonabagan!!!

Ganyan ba katinik sa pugaan ‘yang mga Koreano?!

Ultimo matitinik nating ISAFP natatakasan?!

Not ONCE, but TWICE!

ISAFP chief B/Gen. Arnold Quiapo, alam mo bang ‘yang mga tao mo riyan sa ISAFP ay ‘nagagamit’ sa ‘modus’ ng mga puganteng Koreano?!

MANOK-MANOK at ‘MANSA-MANSANAS ang pinag-uusapan dito, B/Gen. Quiapo.

By the way Sir, totoo ba na hindi mo alam na diyan dinala sa ISAFP Camp Aguinaldo si Cho?

At sa halip na sa detention cell siya ipinasok ay sa isang kuwarto/safehouse siya inilagay?

Sa higpit ng security ng ISAFP, ay malayang naglakad palabas ang puganteng Koreano!?

B/Gen. Quiapo, mukhang may ilang tauhan ka riyan na ikinakanal ka!?

Unahan mo kaya silang ikanal, Sir!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *