Tuesday , December 24 2024

Pekadores nalansag ng NBI Interpol

00 parehas jimmyTALAGANG puspusan ang pagtatrabaho ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil patuloy ang kanilang  operation laban sa mga illegal na gawain.

Kamakailan lang ay nakahuli sila ng mga miyembro ng sindikato na gumagawa ng mga pekeng dokumento kagaya ng bank records at land titles para sa US Visa applicants na ibinebenta ng P100 thousand sa mga aplikante.

Ayon kay Atty. Daniel Daganzo hepe ng NBI-Interpol, “Pinalalabas nila na ‘yung applicant ay nag-travel na sa ibang bansa tulad sa Australia. Plus factor ‘yun siguro na mabibigyan siya ng visa, kasi nag-travel na siya sa ibang bansa.”

Ang mga sangkot sa nasabing ilegal na gawain ay sina Vanessa Ganarillos at Ernani Evangelista na nahuli sa pamamagitan ng marked money at CCTV surveillance ng undercover NBI agents.

Kaagad na sinampahan ng kasong paglabag sa Passport Act and falsification of public documents sa DOJ ang mga suspect.

‘Yan ang resulta ng pagiging laging alerto ng NBI Interpol sa pangunguna ni Atty. Daniel Daganzo.

Dagdag ni Atty. Daganzo, “Intensified na ‘yung campaign nila laban sa mga namemeke ng visa, lalo na ‘yung involved sa human trafficking.”

Kaya naman panawagan ng NBI sa ating mga kababayan na balak mag-apply ng US visa, pumunta sa mga legal channel na talagang hindi kayo maloloko. ‘Wag na kayong padala sa mga sindikato.

Mabuhay ka Atty. Daganzo, sir keep up the good work.

***

Gusto ko palang batíin ang aking kumpare at publisher ng Hataw na si Jerry Yap sa pagka-dismiss ng kasong libelo na isinampa ni Capt. Ibay ng MPD.

Diyan makikita ang ginagawang pakikipaglaban ni Yap para sa press freedom.

Mabuhay ka bossing. Mabuhay ang ALAM at mabuhay ang Hataw!

Sundot-kalikot sa BOC

Sino ang isang alias ALEGRE na nagpapagawa ng 8-unit na townhouse sa China St., Don Bosco, Parañaque? Grabe naman, sabi ng source natin. Mukhang marami yatang nakulimbat sa Customs. Grabe naman ang bilis nang pagyaman niya!

Paging DOF-RIPS!

***

‘Yung SHERYL UKAY-UKAY ay nagyayabang pa ngayon  na kahit nalugi raw siya ng 10-M kay Pakistani Imran ay marami na raw siyang kinita sa Customs.

Aba’y dapat palang i-audit ng ating mga kaibigan at kabsat na si BIR Commissioner Kim Henares at Usec Valdez!

***

Sa Customs naman, parang may mangkukulam sa Informal entry section ng POM at MICP. May babaeng opisyal kasi na ‘pag nagbibilang daw ng pera ay nanginginig pa. Baka ‘yan yung perang galing sa balikbayan boxes na may pasingit.

Kaya pala ang lalaki ng mga bahay nila at lahat yata ng nai-assign d’yan ay nagkamal nang husto.

Isalang nga sa lifestyle check ang mga ‘yan!

***

Sino naman daw ang alias BOYONG na tirador at kolektong ng isang customs official?

Yari na naman!

***

Dapat paimbestigahan rin ang matatakaw na nakatalaga daw sa isang Customs deputy collector.

 Talakayin natin ‘yan sa susunod na isyu.

***

Sa Port of Manila may na-lifestyle check na isang customs official pero ipinagyayabang na malaki ang ‘lagay’ sa RIPS.

Imbestigahan!

***

Dapat paimbestigahan ng Customs, BIR at NBI ang isang Arnold Saulong broker at TIN 420235802 Fe Medrano Gutierrez. Pati na rin ang silver pinacle enterprise.

Ganoon din ang isang Jennyl R. Sausi na ang TIN ay 946008636. Bantayan ang mga consignee na kinabibilangan ng auto nation group.

‘Yan Farquero, general merchandize na ang TIN ay 9242364 68 at si Erwin Roy U. Rojas. Balitang matitindi talaga sila.

Pakibusisi nga BIR commissioner Kim Henares!

***

Isang Ellaine Lim rin pati na ang consignee na Dawson Creek Industrial pati na si Elen de Vibar passion ang TIN number niya ay 236734767.

Marami umano silang hokus-pokus ang mga ‘to.

***

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng BOC-X-RAY unit sa ilalim ni Atty. Jun Gaviola laban sa mga ilegal na droga.

Maganda ang performance dahil wala tayong naririnig at nababalitaan na nagrereklamo ngayon sa X-ray scanning unit. Keep up the good work!

***

Congrats to BOC Enforcement Group sa pangunguna ni Depcom Ariel Nepumoceno at kanyang mga Customs Police na nakasabat ng ismagel na asukal from Thailand.

Mabuhay kayo!

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *