Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauline Cueto, malapit nang lumabas ang debut album

091615 Pauline cueto

00 Alam mo na NonieMALAPIT ng matapos ang debut album ng fifteen year old na si Pauline Cueto. At her age, bagay sa kanya ang mga kanta rito na all original na komposisyon ng pamosong composer na si Sunny Ilacad. Dalawa sa awitin ni Pauline ang Ingatan Mo at Dreamboy Ng Buhay Ko na for sure ay maiibigan ng mga music lover.

Kakaiba ang musika o melodiya nito na kay sarap sa pandinig at ang mga liriko ay puno ng aral na kakaiba sa pangkaraniwang pagkaka-intindi natin sa salitang dreamboy ng buhay ko.

Kakaibang atake ang ginawa ni Sunny sa nasabing awitin na siyang magiging carrier single ng album with the same title. Lahat ng mga awitin sa debut album ni Pauline ay pawang mga original and new compositions ni Sunny.

Nakakaaliw dito ang mga bali ng mga nota ng melodiya na para kang ibinabalik sa mundo ng mga dekada 70’s at 80’s. Sabi nga, for sure hit ang mga awiting ito ni Pauline dahil sa veteran composer na si Sunny, na kilalang hitmaker.

Maganda si Pauline at magbu-bloom pa ang ganda nito na bagay sa kakaiba niyang tinig na kay ganda at sarap pakinggan.

Si Pauline ay Grade 9 sa St. Mary’s Academy, Pasay City. Kahit busy sa singing career, aktibo pa rin ang dalagita sa campus activities. Ang pagtugtog ng gitara ang isa sa libangan niya, kaya isang certified music lover talaga siya mula noong bata pa. Ang kanyang daddy na si Andy Cueto na very supportive sa kanyang mga pangarap, ang isa sa iniidolo ni Pauline.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …