Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yen, mahusay ang pagpapakita ng mga facial expression sa All of Me

090215 albert martinez yen santos JM de Guzman
WALANG dudang isang mahusay na actor si Albert Martinez. Basta naman siya ang artista inaasahan na natin ang mahusay na acting. Pero noong mapanood namin ang first five episodes ng All of Me, iyong bagong afternoon teleserye ng ABS-CBN, nagulat kami sa nakita naming acting ng baguhang leading lady na si Yen Santos, at iyong mahusay din namang performance ni Aaron Villaflor.

Doon sa mga napanood naming episodes, sila lang ang tatlong characters na mahaba ang ginampanan. Hindi pa kasi pumapasok doon ang mga mabibigat na eksena ni JM de Guzman. Mahusay naman daw ang performance ni JM sa kanyang episodes, pero roon na muna tayo sa napanood naming noong isang gabi.

Iyang si Yen , aaminin naming hindi namin siya kilala. Hindi namin alam kung ano na ang mga nagawa niyang serye. Naitanong nga namin kay Kathy Solis, ng ABSCBNCorpCom, na nagsabi naman sa amin na iyang si Yen ay galing daw sa PBB, pero wala rin siyang alam kung ano siya before. Pero in fairness ha, magaling siyang umarte. Hindi mo sasabihing baguhan siya eh. Mahusay ang kanyang mga facial expressions na ipinakikita kaya madadala ka kahit na sa mga eksena niyang walang dialogue.

Siguro nga iba kung sa TV lamang namin iyan napanood. Iba kasi sa sinehan eh. Iba iyong big screen talaga. Makikita mo ang mga facial expressions nila at iba pang detalyeng hindi mo makikita sa maliit na screen ng TV, kahit na sabihin mong gumagamit ka pa ng digital box o naka-cable ka.

Nagulat din kami kay Aaron. Natatandaan namin na napanood na rin namin siya in the past sa telebisyon. Pero ewan kung bakit diyan sa All of Me ay iba ang kanyang ipinakita. Doktor siya na matapos ang ilang taon ay nakitang muli ang isang babaeng gusto niya. Tapos nalaman niyang iyon pala ay may gusto sa kaibigan niya. Iyong facial expression din ni Aaron noon sa eksena ng kasal nina Albert at Yen, ang tindi ng dating. Sabi nga namin, baka hindi namin napuna iyon kung sa TV lang namin pinanood, pero dahil nakita nga namin sa big screen, iba ang dating ng kanilang acting.

Aabangan namin ang seryeng iyan na magsisimula na ngayong Lunes dahil sa kakaibang husay sa acting na nakita namin mula sa mga artistang kasali roon.

Picture ni Lola Nidora na kasama si Hitler, click sa social media
MANINIWALA ka ba na si Lola Nidora ay naging syota pala ni Hitler? Pero sinabi nga nilang iyon ang lumalabas sa diary niyang ninakaw ng riding in tandem, na ipinatutubos sa kanya ng P500-M para hindi na mabulgar ang laman niyon.

Siyempre hindi naman totoo iyon. Palagay namin, katuwaan lang iyon noong una eh. Kasi noong una naming makita iyan sa social media, may sinasabi pang kaibigan pala ni Lola si Hitler kaya ganoon din ang ugali. Pinick up lang iyon ng mga writer ng Eat Bulaga, at pinalabas nilang iyon ang laman ng diary na inagaw ng riding in tandem.

Actually naging relief iyon eh, dahil noong araw na iyon, ang pinag-usapan ay ang mga picture ni Lola. Nagkaroon ng relief para sa Aldub, at importante naman iyon. Kung sila lang ng sila, at puro pabebe baka naman pagsawaan sila agad. Kailangan din iyong may mga singit na kagaya ng ginagawa ni Lola o ni Frankie.

Pero iyang nangyayaring iyan, test iyan sa credibility ng mga taong gumagawa ng kuwentong iyan. Kung paano nila pinahahaba ang love affair nina Alden Richards atYaya Dub, magugulat ka rin eh.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …