Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub, ‘di kayang pataubin ni Vice Ganda

072815 alden yaya dub
HINDI na mapigilan ang pag-ariba ni Yaya Dub ng Eat Bulaga. Last week ay nasa Laguna ako at napansin kong may nagsisigawan at nagtatawanan sa mga kapitbahay. ‘Yun pala, Yaya Dub segment na ng Eat Bulaga.

Sa totoo lang, tengga ang lahat sa kanila at tutok na tutok sa segment. Naloka ako. Sabi ko, bakit ganoon kalakas ngAlDub? Anong mayroon sa segment na ito ng Eat Bulagana kung titingnang mabuti ay wala namang kakuwenta-kuwenta. Alam mo namang scripted siya pero bakit ganoon na lang ang aliw factor na dulot nito sa Pinoy?

Nagbukas kami ng telebisyon sa bahay at sinabi ko sa pinsan ko na silipin nga kung ano ‘yang AlDub na ‘yan. Well, habang pinanonood namin, tawa ako ng tawa. ‘Yung tawang wala ring kakuwenta-kuwenta na napakababaw.

So true. Nakuha nga ng AlDub ang puso ng mga Pinoy. ‘Yung masang-masa ang approach na matatawa ka na lang sa pinaggagagawa nilang walang kakuwenta-kuwenta. Like si Wally Bayola na nili-link kay Hitler na inilagay gamit ang photoshop at kung anik-anik pa!

‘Yun bang nakikita mong pawisan man sila o hindi ay tuloy-tuloy ang pagpapatawa kahit nasa lansangan sila!

Maybe this time, since takot na takot at alarmang-alarma ang It’s Showtime sa biglang pag-ariba ng AlDub sa ratings, maganda sigurong magkaroon ang It’s Showtime ng segment na makikita nila sa kalye si Vice Ganda. ‘Yun bang magkaroon sila ng mga pakulo o palaro sa bawat barangay na naroon ang ilang host ng Showtime at magbahagi rin ng biyaya sa madlang people noh!

Hindi ‘yung nariyan lang sa studio ng ABS-CBN na ayaw mainitan! Lumabas kayo at mag-reach out sa taumbayan kung gusto niyong makabawi sa ratings dahil sa totoo lang taob na taob na kayo!

Oo, malakas ang segment ni Vice Ganda as Madam Bertud pero sa totoo lang, hindi kayang isalba ni Vice ang buong show kung walang kooperasyon ang iba pang kasamahan nito. Kahit anong gawing takbo at tambling ni Vice para saShowtime, kahit sabihin nating nakaaaliw siya at napaka-ismarte aba’y kailangan ang suporta ng buong production at host para umangat ulit sa ratings!

Like what I’ve said, lumabas kayo sa masa. Maglagay kayo ng segment na kailangang ang ilang host ninyo ay nasa lansangan. Paulanan ninyo at mamigay kayo ng bonggang papremyo!

‘Yung mga pakontes ninyo sa studio like Papa Pogi at kung ano-ano pa, ay dalhin sa bawat barangay. Promise, makababawi ang It’s Showtime sa ratings!

REALITY BITES – Dominc Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …