Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita 2 taon sex slave ng ama

NATULDUKAN ang pagdurusa ng isang dalagitang halos dalawang taon ginawang sex slave ng ama at kinalbo pa upang hindi makalabas ng bahay, makaraan maaresto ang suspek sa Navotas City, iniulat ng pulisya kahapon.

Nakapiit na sa detention cell ng Navotas City Police habang nahaharap sa kasong multiple rape in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse law) ang suspek na si Ariel Arian, 50, residente ng Block 33, Lot 14, Phase 2A2, Tumana, Dagat-dagatan, Brgy. North Bay Blvd. South ng nasabing lungsod.

Nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang biktimang itinago sa pangalang Grace, 15, upang sumailalim sa mga pagsusuri.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa Police Community Precinct (PCP) 4 ng Navotas City Police, nagsimulang halayin ng suspek ang biktima noong Mayo, 2013 sa loob ng kanilang bahay.

Salaysay ng dalagita sa mga awtoridad, gabi-gabi siyang hinahalay ng kanyang ama simula ng nabanggit na petsa hanggang Hulyo 31, 2015.

Ayon sa biktima, noong unang gabing halayin siya ng kanyang ama ay natutulog siya at naramdamang hinihimas ng suspek ang kanyang dibdib.

Nagtangka siyang pumalag ngunit tinakot siya ng suspek na may masamang mangyayari kapag hindi siya pinagbigyan kaya’t wala siyang nagawa nang ibaba ang kanyang short at panty para halayin.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang biktima ay ipinagtapat niya sa kanyang ina ang insidente. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …