Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Komedyanteng si Atak Araña, nadale ng scam?

081015 Atak Araña

00 Alam mo na NoniePINABULAANAN ng komedyanteng si Atak Araña na siya ay nabiktima ng scam. Ayon kay Atak, hindi siya papasok sa ganitong bagay kung hindi siya sigurado.

“Hindi totoo na na-scam ako, kasi hindi naman ako papasok sa ganyan kung scam iyan, Kasi, may product ‘yan at bago ako pumasok sa Succes200, may nag-recruit sa akin. Siyempre bago ka mag-register dyan, mag-iisip ka muna talaga ng hindi lang isang beses. Bago ka magbigay ng pera, iisipin mo munang mabuti kung okay iyan.Tapos may kasama pang panalangin dahil sa hirap ng buhay ngayon.

“So, bago ako bumalik sa office nila, isinulat ko ang sampung questions ko. Like, sino ang may-ari niyan at pinakilala naman sa akin, apat silang may-ari. Legal ba ito, may rehistro ba ito, may nagreklamo na ba rito, paano kumita rito? Nasagot nilang lahat iyon. So, inexplain sa akin. ‘Ito ay may produkto, sa P1,800 na registration, may balik sa iyo diyan na product na more than P1000 ang halaga.’ So kaunti na lang ang babawiin mo, pero kapag naka-recruit ka ng dalawa, kasi inaamin nila na networking ito, e, Pero hindi scam.

“Kasi kapag scam, wala kang product, e. Kunwari sasabihin nila na tatlong araw babalik ang pera mo, malaki na agad. E wise ako e at nang nakita ko na safe ako rito, itinuloy ko. Tapos ay nakapag-out na ako at kumita,” panimula ni Atak.

“Ang issue, may lumabas kasing balita sa TV na may siyam na company na scam daw at napasali iyong Succes200. Kaya napa-isip ako kung paano nangyari iyon. Kasi nakapag-out na ako at yung kaibigan ko, ibig sabihin, kumita na ako. So, ang daming nag-text, pati sa Facebook at kumalat ang balita na na-scam ako.

“Iyon pala, siniraan sila ng iba, nandamay lang, iyon ang naging problem. Kaya nililinaw ko lang, hindi naman ako papasok kung scam iyan. Unang-una, grabe ang payo sa akin ni Direk Wenn (Deramas) sa mga scam-scam na iyan. Isa pa, yung may ari nito, nakipag-meeting sa akin, they are going to produce a show for me sa Teatrino, Greenhills sa October 16. Ang title ay Moments Ko ‘To!

“Kung scam iyan, hindi ba dapat ipapa-close sila? Pero may permit sila, lilipat na nga sila sa malaking office. Magkakaroon pa sila ng pa-raffle, car ang premyo para sa lahat ng nag-register ditto,” mahabang dadag pa niya.

Si Atak ay napapanood sa Flordeliza sa ABS CBN at bahagi ng pelikulang Wang Fam ni Direk Wenn, starring Pokwang, Benjie Paras, at iba pa. Nakatakda silang mag-show nina Melai Cantiveros at Elizabeth Ramsey sa Sydney at Melbourne, Australia sa Nov. 6 at 7.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …