Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, sinabing hindi big deal na makatrabaho si Lloydie

080615 Shaina Magdayao lloydie

00 Alam mo na NonieHINDi raw inaasahan ni Shaina Magdayao na makakatrabaho niya ang dating kasintahan na si John Lloyd Cruz. Isa si Lloydie sa nadagdag sa casts ng soap operang Nathaniel ng ABS CBN at dito nga ay nakaka-eksena niya si Shaina.

Pero nilinaw ng younger sister ni Vina Morales na walang kaso sa kanya kung makatrabaho man si Lloydie dahil matagal na raw silang okay.

“Okay naman kasi kami, okay talaga kami. Nagulat lang ako na makakatrabaho ko pala siya. But then I guess, talagang ganoon lang kaliit ang mundo ng showbiz.”

Dagdag pa ni Shaina, “What’s important is I’m okay with him and he is okay with me. Actually no big deal because okay kami even before pa. I think medyo bago lang sa paningin ng tao na nakikita kami on-screen, kasi hindi kami nagtrabaho dati and that’s about it.”

Ipinahayag pa ni Shaina na siya pa raw ang unang bumati kay Lloydie nang dumating ito sa set ng Nathaniel.

“Oo kasi ganoon iyong ginagawa ko sa lahat ng guest namin. You know, being one of the cast, parang I think it’s just proper na wini-welcome ‘yung guest namin.

“So, hindi naman nagkaiba iyon. Parang feeling ko naman it’s just proper na siya man o hindi iyong guest, i-welcome siya. So, ‘yung turn niya na maging guest siya, I said, ‘Welcome to our set,’ kasi napakaganda talaga ng working environment namin.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …