Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Epal si Bistek

051515 herbert bistekGINULAT at hindi inakala ng marami na ang isang makapangyarihan at maimpluwensiyang relihiyon ng Iglesia ni Cristo (INC) ay magkagulo dahil sa mga akusasyon ng korupsiyon at iba pang iregularidad sa loob ng simbahan.

Marami ang espekulasyon sa simula pero makalipas ang ilang araw, ang kontrobersiya ay luminaw.  Ang bangayan ay sa pagitan ng tinaguriang council of elders kontra sa ilang ministro at miyembro kabilang na ang mga kapatid at nanay ng mismong lider ng INC na si Ka Eduardo Manalo.

Tama lang naman na walang dapat manghimasok sa nangyayari sa loob ng INC dahil internal na usapin ito ng kanilang simbahan.  Pero kung ang pangyayari ay may kaugnayan sa pagdukot, pananakot, kidnapping at iba pang uri ng intimidasyon, ang estado ay maaaring magsagawa ng imbestigasyon para alamin kung meron ngang  krimeng naganap o nagaganap.

Pero nakagugulat ang pag-epal nitong si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista.  Nagtungo pa mismo sa bahay ni Felix Nathaniel Angel Manalo, kung saan nangyayari ang kaguluhan, at parang pulis na nagtanong at nag-imbestiga kung ano ang nangyayaring sigalot sa Iglesia.

Kung mismo ang mga pulis ay hindi pinapasok sa bahay ni Angel, pati na ang mga kagawad ng NBI at Commission on Human Rights, si Bistek pa kaya? Ang hirap kasi kay Bistek palaging naghahanap ng publicity.  Epal na epal ang dating ni Bistek; paikot-ikot na nagpapapansin sa harap ng media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …