Iniiwanan na si Binay ng kanyang mga kakampi…
Joey Venancio
July 24, 2015
Opinion
AGAIN… sa politika, walang permanenteng kaibigan at kaaway. Lahat ay para sa personal na interes lamang!!!
Ito’y nangyayari ngayon kay 2016 presidentiable Vice President Jojo Binay.
Oo, unti-unti nang kumakalas o iniiwanan si Binay ng mga dating Binay na Binay tulad ng mga Gachalian at mga kaalyadong miyembro at opisyal ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Nagpahayag na ang NPC na susuportahan nila ang kandidatura nina Senadora Grace Poe at Sen. Chiz Escudero na kapwa independents pero tumakbo sa Team PNoy noong 2013.
Actually si Escudero ay dati nang NPC pero tumiwalag noong 2010 nang tanggihan umano ng NPC president na si Danding Cojuangco ang hinihinging financial support sa plano nitong pagtakbong presidente that time.
Nagpahayag din ng suporta ang Nationalista Party (NP) ni dating Senador Manny Villar sa kandidatura ni Poe.
Teka, kung ang Poe-Escudero ang susuportahan ng NP, paano na ang talagang miyembro nilang sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes na balak ring tumakbo sa higher positions?
Nagkakagulo na talaga ang mga partido para sa Poe-Escudero tandem anoh?. Ito’y dahil sa leading ang dalawang ito sa mga survey sa pagkapresidente at bise presidente… sa ngayon!
Ang nagiging kawawa na ay si Binay, unti-unti na itong iniiwanan ng kanyang mga kaibigan at kaalyado dahil pababa nang pababa na ang kanyang ratings at posible pang hindi na abutin ng eleksyon dahil sa dami ng kasong katiwalian na kinakaharap ngayon.
Ang matibay ay itong si DILG Sec. Mar Roxas, slowly but mukhang surely ang takbo ng mga plano sa pagka-presidente.
Si Roxas, ayon kay Senador Frank Drilon, ang kinukonsidera nang standard bearer ng Liberal Party, ang partido ng administrasyon ni PNoy.
Actually, ang gusto ni PNoy ay Roxas-Poe. Tatlong beses nya na ngang kinausap ang Senadora ukol dito.
Pero dahil mainit na si Poe na kumasa sa pagka-presidente at si Escudero nga ang gusto niyang running mate, maghahanap nalang ng malakas ding vice presidentiable si PNoy para kay Roxas.
Si outgoing Batangas Governor Vilma Santos-Recto na isa ring LP ang napupusuan ni PNoy at ni Roxas na maging running mate para tapatan ang Poe-Escudero. Panalo!
May isa pang choice para maging running mate ni Roxas, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Panalo rin ito laban kay Escudero.
Sa panig ni Binay, posible raw ang Binay-Estrada (Jinggoy). Pero para sa akin, mas solid kung Erap-Binay uli.
Bukas uli… huwag bibitiw!
***
GREETINGS: Happy birthday to Mario Batuigas, ang tigasing tiga-saing sa kanila. Pa-pizza ka naman, brader! Belated happy b-day to Tony Macalisang of Romblon Sun. Tuloy tayo sa 2016, Ka Tony. Hehehe…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015