Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolina, naging honest lang sa pagdadalawang-isip kay Claudine

 

072215 Jolina Magdangal  Claudine Barretto

NAGING honest lamang si Jolina Magdangal nang aminin niya noong isang araw, sa thanksgiving get together nila para sa serye nilang Flordeliza, na nagkaroon din siya ng hesitations dati na makatrabahong muli si Claudine Barretto. Halos magkasabay silang nagsimula noon sa Ang TV, pero may sinimulan silang isang project na nakansela dahil nagkaroon ng personal problems si Claudine. Isipin mo nga naman noong panahong iyon, ang dami ring trabaho ni Jolina. Basta may gagawin kang serye, natural hindi ka na tatanggap ng kahit na ano pang trabaho, kasi inaasahan mo nang sa serye lang ubos na ang panahon mo eh. Tapos kung kailan natanggihan mo na ang mga offer at saka naman makakansela ang serye dahil sa problemang personal ng isang kasama mo. Hawa nga naman iyon.

Siguro naman kahit na kanino mangyari ang ganyan, madadala rin.

Noon nga sigurong panahong iyon, masasabing may kaunting angat ang popularidad ni Claudine kaysa kay Jolina, pero baliktad na ang sitwasyon ngayon. Hindi pa nakakapag-comeback si Claudine, at hindi pa natin alam kung ano ang magiging pagtanggap sa kanya ng mga tao pagkatapos ng kung ano-anong kontrobersiya na kinasangkutan niya. Si Jolina naman, nakapag-comeback na at ngayon nga ay maganda ang ratings ng papatapos niyang serye, iyang Flordeliza.

Kung iisipin mo, ni hindi talaga kailangang mag-comeback ni Jolina dahil hindi naman siya nawala. Wala man siyang drama noon, tuloy naman ang pagkanta niya.

Pero makikita mo na mabait pa rin si Jolina. Kasi nasabi nga niyang kung ano man ang hindi magandang karanasan in the past, tapos na iyon at kapwa na sila matured ngayon. Siguro naman dahil sa kanilang maturity, kung ano man ang naging problema noong araw ay hindi na mauulit ngayon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …