Thursday , December 26 2024

Grace-Chiz umiikot …

MUKHANG ipipilit nina Senadora Grace Poe at Senador Chiz Escudero ang kanilang tandem para sa 2016 presidential election kahit wala silang makinarya at ang tanging armas ay nangunguna sila sa surveys sa ngayon…

Nagsimula na nga ang dalawang umikot-ikot at kumaway-kaway sabay pakikipagkamay sa mga taga-South Cotabato noong isang araw.

Ang dalawa ay kapwa independent, walang partido. Pero noong 2013 sila’y tumakbo sa Team PNoy na walang gaanong ginastos. Nag-ride lang sila sa budget ng Liberal Party nina PNoy at Mar Roxas.

Kapag natuloy ang Grace-Chiz, tiyak na ang magiging problema nila ay pinansiyal. Pero si-guradong may mga negosyante o kapitalista na tataya sa kanila. ‘Yun nga lang… kapag nanalo sila, kailangan nilang tumingin ng utang na loob sa mga nag-finance sa kanilang kandidatura sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng malalaking kontrata sa gobyerno! Ang magiging bunga nito ay katiwalian at paggbatikos sa kanila ng taong-bayan! Tiyak ‘yan!

Sa tantiya ko, ang magagastos ng isang kandidato sa  pagka-presidente para manalo ay hindi bababa sa P10 bilyon!

Sa panahon ngayon ng politika, sa mga probinsiya lalo sa slum areas, liblib na barangays at sitio, hindi ka iboboto ng mga tao kung walang iaaabot na groceries, P100, P500 hanggang P1,000 cash!

Sa panahon ng kampanya, ang mga gumagapang ay ang mga kandidato sa lokal tulad ng gobernador, kongresista at mayor.

Kailangang pondohan ng kandidatong presidente ang mga nasabing local candidates para ipanalo siya or else mangingibabaw ang popularidad ng mga nangunguna sa surveys.

Kaya kahit pa malakas ngayon sa survey ang Grace-Chiz tandem, kapag wala silang makinarya at pera sa panahon ng halalan, tiyak sa kangkungan sila pupulutin.

Kaya lamang pa rin dito ang mga presidentiable na may pera at makinarya kahit medyo mababa sila sa surveys.

Kaya hindi nababahala sina Vice President Jojo Binay at DILG Sec. Mar Roxas kahit sino ang kanilang makalaban sa eleksiyon. Sigurado ang dalawa pa rin ang magbabakbakan kapag nagsimula na ang kampanya.

Pramis!

Advise para sa taxi drivers na holdap victim

– Joey, ang advise ko sa mga taxi driver: Dahil uso ang holdap sa mga gaya nyo, kapag nagdeklara ng holdap ang pasahero nyo at tinutukan kayo ng baril o patalim, paharurutin nyo nalang ng mabilis ang taxi nyo at ibangga sa poste etc… para damay damay na. Ang lagay tsutsugiin kalang at dala pa ang pinagpaguran mo? – 09162894…

Tama rin ang advise na ito ng ating texter, delikado nga lang. Kailangan marunong ka mag-stunt para di masaktan pag ibinangga sabay talon palabas sa taxi.

Hinaing ng tindero/tinder Sa Quinta Market (Quiapo, Manila)

– Sir Joey, isa po ako sa mga tindera/tindero dito sa Quinta Market sa Quiapo, Manila na tutol sa privatization ng aming palengke. Nais ko lang po sana itanong sa aming mayor: Bakit po parang minamadali kami? Wala po written notice o kahit anong warning na papaalisin na kami… at bakit po ang market master ng aming palengke na syang dapat nagtatanggol sa aming mga maninininda ay sya pang nangunguna sa pagmamadali na mapaalis kami sa mga pwesto namin? Ano po bang totoong rason at gusto nila kami maalis at ilagay sa mga temporary na ginawa nilang pwesto na pag hinangin ng malakas eh babagsak o magigiba agad? Sana masilip po kami dito at mabigyan ng maayos na lilipatang pwesto dahil  hindi naman po kami nagkulang sa pagbayad ng napakalaking presyo ng permit at ticket. Plano po nila sa next Monday or next week kami paalisin. Sana po may makapansin at matulungan kami. – Quinta Market vendor

Walang ibang makatutulong sa kalagayan ninyo kundi ang mayor ng Maynila. Kaya makipag-usap kayong grupo ng personal kay Mayor Erap para malaman nyo kung ano talaga ang plano sa naturang palengke at sa magiging puwesto nyo sakaling ma-privatize nga ang pamilihan. Huwag asahan ang Market Master ninyo dahil sumusunod lang din yan sa utos ng alkalde.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *