Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP Jejomar Binay gustong ‘unli’ power cum unli kurakot

AKALA natin ay ayaw ni Vice President Jejomar Binay ng sistema ng diktadurya.

Akala natin kaya siya nangangarap maging presidente ng bansa ay para ipatupad sa buong bansa ang ginawa niyang ‘pagkalinga’ sa mga taga-Makati.

Hanggang ngayon, kahit hindi pa sinasagot ni VP Binay ang mga alegasyon na overpricing ng mga gusali (Makati Parking Building sa kanya at ang Makati Higfh School sa anak na si Junjun), binibigyan pa rin natin siya ng sinasabi nga, ‘e benifit of the doubt.

Ayaw pa muna nating paniwalaan nang lubusan ‘yan hangga’t hindi dinidinig sa tamang venue at hindi dumaraan sa tamang proseso.

Pero nang marinig nating sinabi niyang: “Walang term limit, one-to-sawa hangga’t ibinoboto ng tao, hindi papalitan.”

Aba, lubos na tayong naniniwala na, swapang pala talaga sa kapangyarihan si nognog ‘este Jojo.

Sabi nga mga matatanda noong una, “Lampas at sablay si Jojo.”

Naalala ko tuloy ‘yung panahon na naki-kipagkapit-bisig siya sa iba pang human rights lawyer at sa mga human rights advocate na lumalaban sa diktadura — kahanay at kakapit-bisig niya sa unahan ng martsa ang mga mag-asawang Ambrosio “Paddy” at Lily Padilla, Armando at Paula Malay, yumaong Mary Concepcion Bautista, Atty. Rene Saguisag, Atty. Jun Beltran, Atty. JV Bautista na spokesperson niya ngayon, at iba pang anti-dictatorship persons — pero ngayon ibang tugtog na ang gustong isayaw ni Jojo?!

Sonabagan!

Masama pala talagang nakatitikim ng kapangyarihan. Totoo pala ang kasabihan na ang unang sanhi ng Alzhiemer disease ay pagkalasing sa kapangyarihan at hindi ang pagkalasing sa alcohol.

Ay Jojo!

Naniniwala ako na ipinundar mo rin kung ano ang meron ka ngayon, pero mahirap pa rin intindihin na ikaw, lumaban sa diktadura ay naghahangad ngayon na makaangkin ng kapangyarihan habambuhay?!

At  ‘yan  ay  gusto mo pang ipamana sa iyong mga anak hanggang sa apo?!

Pangarap mo pala talagang maki-level kay Apo.

Hindi na tayo nakapagtataka kung bakit ibang klase kung rumepeke ang bibig ng inyong mga anak.

Iminulat mo ba silang huwag bibitiwan ang kapangyarihan dahil UNLIMITED ito?!

Sayang ang pundasyon mo, Jojo.

Hindi pa huli ang lahat, pwede pang bawiin ang sinabi mong ‘yan.

Pero, magiging tatak mo na ‘yan.

Sabi nga ng mga ‘political analyst’ sa Divisoria, “Desperate move na ang mga tirada ni Jojo.”

 Kumbaga, mahilig nang pumatol sa gulo si VP Jojo.

Bakit? Iritable na ba siya dahil kahit anong gawin niya ay nakahahanap ng pantapat ang mga operator ng Palasyo?!

Ganyan talaga ang politika VP Jojo.

“Huwag kang papasok sa kusina nang walang apron, mittens at head dress dahil tiyak na tiyak, mauulingan ka!”

At ‘yang ULING na inipon mo sa iyong katawan VP Jojo, ang ginagamit nila ngayon laban sa inyo! God luck na lang sa 2016!

Aso, basura at hubad-barong istambay nagkalat sa Intramuros

SIR JERRY, pedestrian friendly na ba ang Intramuros after maging one-way-one-way ang mga kalye? Hindi po, Sir Jerry.  Hinding-hindi po magiging pedestrian friendly ang Intramuros hangga’t hindi naililipat ang mga kababayan nating walang maayos na tirahan diyan lalo na ‘yung mga natutulog sa gilid-gilid ng mga gusali tuwing gabi. Marami rin pong aso at pusang gala bukod pa sa mga taong hubad-baro at parang sila ang may-ari ng Intramuros. Lubusin na po sana ng Intramuros Administration ang paglilinis sa kabuuan ng Intramuros. Salamat po. +63919734 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …